Wala kang dapat na ikatakot sa tanong na ito lalo na kung puro mabuting bagay lamang ang iyong nagawa noong na sa poder ka ng dati mong pinapasukan. Bagaman hindi ka magiging tiyak kung ano ang sasabihin ng iyong dating amo, sakaling tawagan sila para humingi ng patunay, ay kailangang banggitin mo pa rin ang iyong mga inaakalang magiging tugon niya. Ito ang isang magandang halimbawa:

“Madalas na maaga ako sa pagpasok at inaasikaso ko na agad ang mga dapat na linisin na galon ng tubig para pag dating ng iba kong kasama sa trabaho ay maihahatid ko na ito sa mga customers na naghihintay ng kanilang rasyon. Minsan kapag wala pa ang mga kasama ko ay nagpapaalam ako sa aking amo para maihatid na agad ang mga container at sa palagay ko ay sasabihin niya na maaga ako sa trabaho, at may malasakit ako sa mga customers at sa kanilang negosyo.”

Isa pang mabisang paraan para masagot ng maayos ang tanong na ito ay ang pagbanggit sa nakaraan mong ‘appraisal’ review lalo na kung kaaya-aya ang naging resulta nito. Sa maraming organisasyon ito ay ginagawa sa ikatlong buwan, o tuwing 6 na buwan o minsan sa isang taon. Kaya mabuting magkaroon ka ng kopya ng iyong mga nakalipas na ‘performance reviews’ para may masasabi ka sakaling maitanong sa iyo kung ano ang masasabi ng iyong amo sa iyo, lalo pagdating sa trabaho. Narito ang isa pang halimbawa gamit ang kontekstong ito:

“Noong nakalipas na work review namin ay isunulat ng aking boss sa kanyang report na malaki ang aking pagpapahalaga sa aming mga customers, magiliw ko daw na nabibigayan ng serbisyo ang bawat isa sa kanila kaya naman paulit ulit silang bumabalik at bumibili sa amin. Masasabi rin ng dati kong boss na hindi ko pinababayaan ang mga dumarating na orders kahit pa lampas na ito sa oras ng aking trabaho. Pinipilit ko pa ring tapusin ang mga ito.”

Gamitin mo pagkakataon na ito para maihanay mo ang iyong mga kakayahan sa hinahanap ng mga katangian ng iyong nais pasukan. Kailangan lamang na ang iyong mga sasabihin ay mga tunay na katangian at maaaring sabihin din ng dati mong amo.

Halimbawa, kung nagkaroon ka ng responsibilidad sa pakikitungo sa mga customers ay maaari mong banggitin na marunong kang humarap sa mga customers at sa tingin mo ay nakatulong ka ng marami upang madagdagan ang kanilang benta- kung ito ay sang-ayon sa iyong mga responsibilidad.

RECOMMENDED ARTICLE: Dalawang paraan upang mas tumaaas ang posibilidad na matanggap ka sa trabaho

“Maaari niyang sabihin na kahit hindi ko trabaho ay ginagawa ko ang mga dapat na gawin sa para aming departamento. Dahil dito ay natatapos namin ang mga projects at trabaho na nangangailangan ng dagdag na tauhan dahil nagagampanan ko ang maraming gawain kahit pa hindi ito saklaw ng aking mga tungkulin. Sasabihin din niya na maaari akong mapagkatiwalaan sa pagdating sa pera dahil araw-araw ay ako rin ang humahawak ng benta at binibilang ko ang imbentaryo para sa mga produktong kailangan na idagdag sa tindahan.”

Alalahanin mo na maski ang pinaka maliit na bagay na nasabi tungkol sa iyo ng iyong boss ay magagamit mo. Pagkakataon mo ito para maipakita o maisalaysay ang iyong galing kaya balikan mo ang mga papuring iyong natanggap sa iyong gunita para magamit mo sakaling itanong sa iyo kung ano ang masasabi sa iyo ng iyong dating amo.

Sana ay makatulong ang mga ehemplong ito upang matanggap ka sa iyong mga inaaplyan na mga trabaho sa kasulukuyan at sa hinaharap. Maari mo rin ibahagi ito sa iba sa pamamagitan ng pag-share ng artikulo gamit ang mga social media icons sa ibaba.

Photo Credit: Getty Images