Kapag tayo ay nagtutungo sa tanggapan ng isang organisasyon, mapa pribado o publiko ito, inaasahan natin na ang ating mga makakausap ay tapat sa pagbibigay ng serbisyo lalo na kung tayo ay may mga hinaing. Tumataas lalo ang ating pagtitiwala kung tayo ay lalapit sa mga kawani ng gobyerno. Sa kasamaang palad ay nagkakaroon tayo ng mga hindi magandang karanasan kapag tayo ay nangangailangan ng tulong. Marahil, dahil na rin sa dami ng mga ginagawa ng emplyedo ay hindi sila nakakapagbigay ng sapat na paggalang o tamang pakikitungo na kinakailangan ng mga pang karaniwang tao.

Walang pinipili ang pagkakaroon ng masamang karanasan. Kahit mismo sa pribadong sektor ay nangyayari din ang mga hindi magandang karanasan. May mga iilang tao ang sumisira sa imahe at reputasyon na patuloy na binabago at pinapaganda ng karamihan ng mga naglilingkod sa organisasyon.

Ano ang dapat gawin kung NAKARANAS ng hindi tamang Pag-Trato

Sakaling nagkaroon ka ng masamang karanasan sa serbisyo ng pribado o ng isang sangay ng pamahalaan ay hindi dapat manahimik. Kailangang ipagbigay alam ito sa kinauukulan upang maitama ito. Sapagka’t sa pamamagitan lamang nito madalas nalalaman ng mga lider ng kanilang organisasyon ang pagkukulang nila. Ito ang isa sa mga paraan upang maisaayos ang pakitungo ng iilang tao nila humaharap sa kanilang mga kliyente nila.

Narito ang ating mga kailangan na gawin sakaling nakaranas ng hindi magandang pag uugali sa mga tanggapan ng mga Pribado o Pampublikong institution:

  1. Siguraduhin na kumpleto ang iyong dokumento. Ipunin mo ang lahat ng mga papeles na iyong natanggap, resibo, kontrata at iba na magagamit para mapatunayan ang nangyari. Ugaliin mo rin na ipa photocopy ang iyong mga dokyumento para manatili sa iyo ang mga orihinal na kopya.
  2. Itala o irecord ang inyong pag uusap. Maaari mo itong irecord sa iyong smart device o kaya naman ay itala sa isang kwaderno. Mas mabuti rin kung may bidyo ka ng mga pag uusap dahil malaki ang maitutulong nito kung may reklamo ka o kaya ay may hindi kanais nais na nangyari. Maaari mo itong ipakita sa mga awtoridad.
  3. Maghanda ng mga ebidensiya tulad ng mga letrato o bidyo. Kung may mga testigo ay mabuting sabihan din sila kung maaari silang magsalita para sayo. Ang testimonya ng ibang tao ay mabigat na ebidensiya lalo kung aabot kayo sa mataas na korte.
  4. Kumausap ng awtoridad sa tanggapan ng pribadong kumpanya o ng tanggapan ng gobyerno. Dito mo maaring ilahad o ipaliwanag ang nangyari para mabigyan ito ng lunas. Kadalasan ay nabibigyan ito na solusyon at hindi na kailangan pang umabot sa mas seryosong usapan.
  5. Itaas ang reklamo kung hindi nabigyan ng ito ng nararapat na atensiyon. Maaari mong itaas ang iyong reklamo kung tila na walang nangyari sa iyong mga inilatag na mga hinaing. Maghanda ka lamang sa abala at posibleng gastos dahil gugugol ka ng pera at oras kung pipiliin mong isampa sa korte ang nagging problema.

Kadalasan ang mga bagay na pinagmumulan ng hindi maayos na sitwasyon o pangyayari ay nabibigyan ng solusyon sa mabuting pakikitungo. Ang pagtupad ng tungkulin ng mga humaharap sa publiko o sa mga parokyano ay isa sa mga pinagkasunduan ng kahit sinong empleyado. At higit sa lahat, kailangan na mabigyan ng respeto at malasakit ang lahat ng lumalapit at tumantanggap ng serbisyo ng isang pribado o pampublikong tanggapan.

Ang PhilJobNet ay isang Job Portal na pinangangasiwaan ng Department of Labor and Employment at Bureau of Local Employment. Katulong nila ang SFI Group of Companies sa pagtaguyod ng Job Portal na ito upang patuloy na makapaglingkod sa mamayang Filipino. Kung kayo ay may mga pangangailangan, maari po kayong makipag ugnayan sa ating Facebook Messenger Page upang agad namin kayong matulungan. O di naman kaya’y magtungo sa aming tanggapan sa 6th Floor, BF Condominium, Solana St, Intramuros, Maynila, 1002 Kalakhang Maynila.

Photo Credit: Chico Gimenez uploaded in Wikicommons