Sa isang job interview, kapag tinanong ka kung gaano kadalas kang mag-absent, sinasabi mo ba ang katotohanan? Kung ikaw ay lumiban dahil sa ikaw ay nagkasakit o kaya ay kailangan mong lumiban para sa isang mahalagang kaganapan sa iyong buhay (tulad ng pagiging nanay o paglipat ng tirahan), ay mas maigi na huwag kang mag atubiling sabihin ang kadahilanan kung bakit ka lumiban sa trabaho.

Hindi makakasama sa iyo kung sasabihin mo ang tunay na dahilan kung bakit ka lumiban. Halimbawa, kung lumiban ka dahil sa nagkasakit ka, ipaliwanag mo ang dahilan. Hindi masama ang lumiban kinakailangan lang na maipaliwanag mo ng mabuti ang dahilan ng iyong pag-absent.

Sa ibayong dagat may batas sila na ipinagbabawal ang pagtatanong tungkol sa kapansanan o problema tunkol sa kalusugan. Ngunit sakaling itanong sa iyo kung mayroon kang karamdaman ay huwag mo pa rin itong ikubli sa interviewer.

Sabihin ang tunay na kalagayan ng iyong kalusugan kahit pa maging dahilan ito upang hindi ka tanggapin sa trabaho. May pagkakataon na mas mahalaga ang iyong kapakanan kaysa sa trabaho. Alalahanin mo na maraming pang trabahong nag aabang para sa iyo, at hindi mabuti kung ang trabahong iyong nais pasukan ang magiging dahilan ng iyong palaging pagkakasakit.

Isang halimbawa ay kung kinakailangan ang pagpupuyat sa trabaho. Kung mayroon kang alta presyon at ito ay iyong itinago sa iyong panayam, maaaring dumating ang panahon na makasama ito sa iyong kalusugan. Mas mabuti kung alam ng interviewer kung may ganito kang kondisyon upang hindi ka niya ilagay sa trabahong panggabi at kung mayroon naman pa la na pang umaga na schedule. Mas mahalaga ang iyong kapakanan kaysa sa anumang trabaho na iyong papasukan.

Bakit nga ba itinatanong lagi ito sa ating Job Interview?

Ang katunungang ito ay para malaman kung maaasahan ka na pumasok sa araw-araw. Dahil kung hindi mo magagampanan ang iyong tungkulin, unang una na ang pagpasok sa trabaho, ay mahihirapan ang kompanya sa iyo. Magiging pasanin ka lamang sa kanila at maraming trabaho ang hindi magagawa.

Sakaling wala ka naman problema sa iyong attendance ay maaari mong sabihin na madalang kang umabsent. Maliban na lamang kung ikaw ay may sakit at hindi mo kayang tumayo para pumasok sa trabaho.

Ang pag-absent ay hindi masama. Minsan kailangan mo ring isaalang alang ang kapakanan mo at ang iyong mga kasama sa trabaho. Mas mabuting manatili sa bahay lalo na kung nakahahawa ang iyong naging sakit. Ang mahalaga ay maipaliwanag mo ng maaayos kung bakit mo kailangang lumiban sa trabaho. At kung hindi naman madalas ang iyong pag- absent ay matatanggap ito ng recruiter. Itinatanong laman nila ang tanong na “Gaano ka kadalas mag-absent” upang malaman kung isa ka bang responsableng Manggagawa.

Sana ay nakatulong ang artikulong ito sa’yo. Maari mong ibahagi din ito sa iyong mga kaibigan at kamag-anak sa pamamagitan ng pag click ng mga social media icons sa ibaba.

Photo Credit: Getty Images