Bilang Pilipino, madalas ay hindi natin pinpansin ang ‘depression’, ‘anxiety’, at iba pang kondisyon sa pag iisip. Dahil likhang masayahin tayo at malapit sa ating pamilya, ma kwento tungkol sa ating nararamdaman. Nguni’t ang manipestasyon nito ay pribado, at ang tanging nakararanas nito ay isang indibidwal. Hindi rin ito napag uusapan sa lugar ng paggawa lalo na kung ang mga manggagawa ay nasa kani kanilang mga tahanan kung sila ay nagta-trabaho.

Malaki ang naidagdag ng pandemya sa ating pinagdadaanan ngayon at sa estado ng ating pag-iisip. Ang karamihan ay nagkakaroon ng dagdag na alalahanin dahil sa samut saring problema na dulot nito- hindi makalabas ng bahay, hindi makapag hanap buhay ng maayos at iba’t ibang kaugnay na problema na ang ugat ay ang pandemya.

Kung hindi ka pa sigurado, narito ang ilan sa mga nararanasan ng mga taong may depresyon o anxiety:

  1. Nahihirapang makatulog sa gabi, balisa, at laging mapag isip.
  2. May pagkakataon na emosyonal, umiiyak o maramdamin kahit na sa maliliit na bagay.
  3. Nakakaramdam ng kawalang halaga, walang kakayahan at kawalan ng pag asa sa buhay at sa sitwasyon niya sa kasalukuyan.
  4. Mababa ang kumpiyansa sa sarili, at walang kwenta ang kanilang ginagawa, ipinion at mga ideya.
  5. Nagiging mapag-isa at pinipiling itago ang nararamdaman.
  6. Kawalan ng gana sa pagkain, at sa mga dating aktibidad na dati ay ginagawa at pinaglilibangan.

Hindi pare-pareho ang nararanasan ng bawat tao pagdating sa lusog isip o ‘mental health’. Hindi ito biro at maaari itong makaapekto sa iyong buhay at hanapbuhay ng lubusan kung hindi mabibigyan ng pansin o kaya naman ay kung wala kang gagawin upang ito ay malunasan.

Agarang Lunas

Mabuting bigyan ito ng pansin kaagad upang hindi na lumala pa. Ipinapayo ng mga eksperto na kumunsulta sa isang “Mental Health Professional” para maagapan pa ang paglala ng mga nararamdaman at nararanasan. Ngunit marami ang pinipili na sarilinin ang ganitong problema. Maaring hindi napapansin ng nakakaranas ng depresyon ang kanyang pinagdadaan o kaya naman ay nahihiya o natatakot siyang ipa alam sa iba o mayroong iba pang kadahilanan.

Makipag ugnayan sa iyong kasama sa trabaho, kausapin ang mga taong maaaring makatulong sa iyo upang malunasan ang iyong pinagdadaanan. Karamihan sa kompanya ay may programang makatutulong sa para malampasan ang iyong personal na krisis. Ito ay confidential at maayos na ipinatutupad ng mga kinauukulan.

O kaya naman ay maaari mo ring bigyan ng lunas ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagiging aktibo, pakikipag usap sa iba, pagkain ng mga masustansiya, pagpapa araw sa umaga at pag gawa ng mga bagay na nakapagpapasigla sa iyo.

Para sa mga emergency hotline numbers for mental health, maari ninyong konsultahin ang mga grupong ito:

National Center for Mental Health Crisis Hotline (NCMH-USAP)0917-899-USAP(8727) | 7-7-989-USAP (827)

Mental Health First Responders (MHFR)

At para naman sa iba pa na mga karagdagang kaalaman, maari mo din basahin ang mga payo dito mula sa GMA News: 8 ways to cope during the Pandemic

Photo Credit: Getty Images