Marami na tayong pinagdaanan na sakuna, kalamidad, at iba’t ibang suliranin bilang isang bansa. Ngunit ngayon lamang ulit nagkaroon ng malubhang pandemya sa loob ng isang daang taon. Napakarami ng mga nagsarang kompanya dahil dito at marami din ang nawalan ng mga trabaho ating mga kababayan. Ang iba naman ay napilitang umuwi mula sa paghahanapbuhay sa ibayong dagat.

Lubhang naka apekto sa kalusugan, hanapbuhay at lusog-isip ng marami ang  pangyayaring ito. Labis din ang naging epekto nito sa ekonomiya, hindi lamang sa ating bansa pati na rin sa buong mundo.

Kaya naman naisipan namin na paigtingin ang pag tulong sa mga lubhang naapektuhan ng pandemya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Survey upang malaman natin ang mga kondisyon ng ating mga kapatid na mga Manggagawa. Ang survey ay maari mong sagutan sa link na ito –

Empleyado / Jobseeker ~ Workforce Confidence Survey 2021

Employer / Negosyante ~ Workforce Confidence Survey 2021 Employer

Simple lang naman ang survey na ito. Itinatanong kung ikaw ba ay may trabaho pa rin at kung wala naman ay kung nahihirapan ka ba sa paghahanap ng trabaho. Nais din namin malamang kung nabawasan ba ang iyong natatanggap na sahod at kung ano ano din na mga kasanayan ang kinakailangan mo upang patuloy na makapagtrabaho sa gitna ng pandemiya.

Iminumungkahi na sagutin ng buong katapatan ang mga tanong upang maibigay ang tamang tulong para sa mga nangangailangang manggagawa. Magagamit ang iyong mga sagot upang makagawa ng mga programang pangkabuhayan ang ating gobyerno.

Ang layon ng BLE ay mas maintindihan ang nagaganap na krisis pantrabaho at upang mabigyan ito ng karampatang solusyon. Bukod sa posibleng tulong na manggagaling sa pamahalaan ay dapat na magkaroon ng sariling kusa ang bawat isa sa atin lalo na ngayon na hindi biro ang maghanap ng mapapasukan na trabaho. Kusa na magsaliksik, magsanay at mag-aral gamit ang mga libreng impormasyon na matatagpuan sa internet. Isa na rito ang mga artikulo ng matatagpuan sa PhilJobNet kung saan matututo ka ng mabisang paraan ng paghahanap ng trabaho at sa mga libreng pagsasanay sa ibang sangay ng gobyerno tulad ng TESDA.

Hindi natin inaakala na magkakaroon ng ganitong pagkakataon kung saan mahigit isang taon ang ating pananatili sa bahay dahil sa pag iingat buhay at kalusugan. Pagbutihin, pilit na iangat ang sarili upang kwalipakido sa mga trabahong bukas para sa maga aplikante. Dahil kung sakaling may tulong na magmumula sa gobyerno para makapasok sa trabaho ay mabuting handa ka rin sa mga dapat na gawin upang maging karapat dapat sa trabahong naghihintay sa iyo.