Dahil sa hirap ng paghahanap ng trabaho ngayon, naaakit ang marami sa ating mga kababayan sa mga hindi mapagkakatiwalang  job postings at job portals. Ipinapaalala po namin na laging mag ingat at maging mapagmatyag sa mga kahinahinalang job ads na iyong makikita sa internet o sa social media.

Narito ang mga senyales na maari mong makita upang malaman na isang ‘scam’ ang isang job posting o job portal:

  1. Walang “About Us” page ang job portal. Hindi sila nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kanilang negosyo, at wala rin silang bilang ng telepono at iba pang impormasyon na tungkol sa kanilang kompanya.
  2. Hindi propesyonal ang itsura ng kanilang job job portal at hindi maaayos ang mga nakasulat na impormasyon.
  3. Labis na nagmamadali ang nagpost ng job ad. Kung saan kailangan mong magsumite agad ng impormasyon o kaya ay may kailangan kang gawin agad para sa matanggap ka sa trabaho.
  4. May mga mapapansin kang mali sa kanilang baybay o spelling, o grammar kung ito ay nakasulat sa Ingles.
  5. Halatang hindi pinag-isipan ang kanilang mga sinasabi sa kanilang job ad.
  6. Hindi binabanggit ang pangalan ng kompanya, o ang lugar kung saan matatagpuan ang kanilang opisina.
  7. Hindi sila gumagamit ng email address ng kompanya. Minsan ay gumagamit sila ng Gmail o ibang pang kahinahinalang email. Tandaan ang isang lehitimong kompanya ay gumagamit ng kanilang sariling email address.
  8. Malabo ang nakasaad na impormasyon sa kanilang job description.
  9. Lubhang hindi kapanipaniwala ang job ad (Too good to be true). Halimbawa: Magsimula agad sa susunod araw, kahit pa walang experience o walang pinag aralan. Kami ang bahala sa iyong placement fee, walang babayaran. Malaki ang sahod. Ang ilan pa na mga halimbawa ay ang mga sumusunod – Kailangan kang magbayad upang makapagsimula o kaya ay may bibilhin ka muna bago ka magsimula. Babayaran mo ang kanilang training bago ka maging empleyado. At ikaw din ay inaasahang magrecruit muna ng iba para maging empleyado.

Mga Paraan upang hindi maging Biktima

Makiramdam ng maigi sa mga mababasa mo na mga Job Ads. At kung sa palagay mo ay labis sa ganda ang oportunidad na iyong nabasa, ay magdalawang isip din muna. Malamang ito ay hindi totoong job posting at mapapahamak ka lamang.

Mag research  ng husto. Marami pang ibang paraan ang mga pekeng job portals o job ads na hindi natin saklaw o nararanasan, kung may alam kang ibang paraan ng mga mapagsamantalang recruiters o job portals ay mag komento. . kung madali ng mag lagay ng job ad ang mga manloloko ay madali mo na rin silang masaliksik sa panahon ngayon. Sakaling wala kang makitang impormasyon tungkol sa kanila ay isang itong indikasyon na peke ang naturang job ad.

 

Marami pang ibang paraan ang mga pekeng job portals o job ads na hindi natin saklaw o nararanasan. Kung may alam kang ibang paraan ng mga mapagsamantalang recruiters o job portals ay mag komento sa ilalim o di kaya’y sa facebook link ng artikulong ito upang mas marami pa ang makabasa.