May mga pagkakataon na kahit pilitin mong umiwas sa drama sa trabaho ay nasasangkot ka pa rin dito. Narito ang ilang paraan na iyong maaaring gawin upang makaiwas sa potensyal na komplikasyon sa iyong trabaho:

1. Piliin ang iyong mga pakikisamahan

Minsan sa kagustuhan mong makisama ng mabuti sa iyong mga kasama sa trabaho ay napapasama ka sa mga hindi kanais nais ang kaugalian at prinsipyo. Piliin mo ang iyong pakikisamahan. Dahil kung mapapabilang ka sa mga taong hindi maganda ang mga hangarin, ay pangit din ang magiging imahe mo sa iyong mga amo.

2. Iwasan ang pagre-reklamo

Walang perpektong kompanya. Kahit pa ang pinakamalaki at pinaka matagumpay na oraganisasyon ay makikitaan mo ng pagkukulang. Kung ikaw ay may  napupuna na kakulangan, piliin na ituon ang iyong mga mata sa mga mabuting nagagawa ng kompanya imbes na sa mga pagkukulang nito.

3. Maling akala

Minsan dahil na rin sa ating ng emosyon ay nagkakamali tayo dahil sa inakala natin na tama ang ating naging pasya. Ngunit dahil sadyang hindi natin saklaw ang lahat ng bagay at pangyayari ay nagkakamali tayo. Iwasan ang humusga agad upang hindi magkamali ng akala.

4. Iwasan ang pumanig ng kanino man

Hindi naiwasan ang alitan at hindi pagkakaintindihan. Ngunit maiiwasan mo ang kumampi kahit kanino man upang hindi ka maipit sa hindi kaaya ayang sitwasyon. Lalo na kung mayroong hidwaan sa magkabilang panig.

5. Huwag agad magbibigay ng reaksyon

Iwasan ang agarang pagbibigay ng reaksiyon sa mga nangyayari sa opisina. Mas maigi kung ikaw ay hindi padalos dalos sa mga kritikal na bagay kung ikaw ay nakakaramdam ng emosyon. Sa ganitong paraan ay makakaiwas ka sa maling desisyon at mapanakit na pananalita.

6. Patas na trato

Tratuhin ng patas ang iyong mga kasamahan sa trabaho kahit gaano man ito kahirap lalo na’t iba iba ang ugali ng mga tao. Pantay pantay ang mga trabahente pagdating sa karapatan at benepisyo. Maaaring nagkakaiba dahil sa posisyon ngunit hindi ito dahilan upang ibahin ang pakikitungo sa mga nakakababa o nakakataas sa iyo.

7. Panatilihin ang iyong pribadong buhay

Hindi mo kailangang banggitin lahat ang kabuuan ng iyong buhay. L:alo na kung ito ay walang kinalaman sa trabaho. Panatilihing personal ang iyong pribadong buhay. Hindi mo ito kinakailangan ilahad ng buong buo sa iyong mga kasama.

 

Laging isa isip ang iyong mga prayoridad sa trabaho. Mainam na panatilihin ang iyong pokus upang hindi maligaw sa iyong nais na marating o maging sa loob ng iyong pinapasukan. Taandaan mo na kaya ka nagta trabaho ay para kumita para sa iyong pamilya at maglingkod sa kompanya at sa mga customers ninyo.