Ang mga trabahong ito malamang ay hindi na alam ng karamihan dahil sa matagal na itong hindi ginagawa. Dumadaan tayo sa pagbabago tuwing napapalitan ng makina o ng teknolohiya ang mga trabaho.

  • Typesetter. isa itong trabaho na gumagamit ng mga letrang bakal na ilinalagay sa makina ng imprenta para mag-iwan na marka sa papel. Ngayon ay gumagamit na lamang ng komputer at printer ang tao upang mag imprenta.
  • Tagapagtayo ng mga bowling pins. Isa itong trabaho noong unang wala pang mechanikal bowling alley pinstter na makikita sa mga palaruan ng bowling.
  • Mga tagapaggising sa umaga. Oo may ganitong trabaho dati. Kumakatok sila sa pinto o binta ng mga taong papasok sa trabaho tuwing umaga. At dahil sa mga modernong alarm clocks ay wala na ang ganitong trabaho sa ngayon.
  • Tagaputol ng yelo. Noong unang panahon ay may mga taong naatasan para magputol ng yelo sa mga lawa at binibili ito sa kanila ng mga tao may imbakan ng pagkain at mga lalagyan ng alak. Mahirap at mapanganip ang trabahong ito.
  • Tagapakinig kung may paparating na kalabang eroplano. Sa maniwala o hindi, noon ay may taong ang tanging trabaho ay ang paggamit ng instrumento upang marinig kung may parating na sasakyang panghimpapawid.
  • Taga ilaw ng lampara. Noong wala pa wala pang kuryente ay kailangang ilawan ng isang tao ang mga poste na pinapagana ng gaas. Ngunit ng maimbento ang bumbilya na gumagamit ng kuryente, ay nawala na ang trabahong ito.
  • Taga huli ng daga. Ito ang isang trabaho na maaari pa ring manatili sa panahon ngayon ngunit dahil sa makabagong paraan ng pagpuksa sa mga daga [pest control] ay wala na rin ang ganitong trabaho.
  • Tagaugnay ng mga linya ng telepono. Bago maging computerized ang telepono ay nangangailangan ito ng mga tao na mag uuugnay ng mga kable ng telepono upang makatawag ng long distance.
  • Tagahila ng troso. Bago pa magkaroon ng mekanikal na paraan upang hatakin ang mga malalaking puno ay mga taong humahatak nito upang dalhin sa pabrika.

Ilan lamang ito sa mga trabaho na wala na kasalukuyan, at maraming pang trabaho sa ngayon ang maaaring mawala din sa malapit na hinaharap. Narito naman ang ilan sa trabahong maaaring mawala sa nalalapit na hinaharap.

  • Travel Agent. Sa dami ng mga apps na maaaring gamitin para makahanap ng murang ticket at accomodation sa internet, ay maaaring mawala na ang ganitong trabaho sa darating na panahon. Dagdag pa ang maraming destinasyon na makikita na rin sa internet na hindi na kailangan pa ng isang tagapag ayos nito.
  • Sports Referee. Maaaring mawala na rin ang trabahong ito dahil may mga software at cameras na nagre record ng mga kilos ng mga manlalaro. May mga AI [Artificial Intelligence] na rin na nagbibigay ng desisyon para malaman kung sino ang nakapuntos sa isang laban o laro. Hindi lahat ay aayon na mapapalitan ng AI ang isang referee dahil may mga kilos na hindi pa kayang basahin nito. Nguni’t malaking bahagi ng trabaho nito ang mawawala o di naman kaya’y maiiba.
  • Kahera. bagaman mahirap isipin na wala ng kahera sa mga tindahan tulad ng mall o convenience store ay maaari itong mangyari. Dahil sa pagdating na panahon ay maaaring debit card, credit card o cash card na lamang ang ating gamitin kung saan hindi na kailangan ng tao ubang magbigay ng sukli at lahat ng paninda ay may bar codes na masusubaybayan ng computer.
  • Kartero. Paunti na ng paunti ang makikita mong tagapaghatid ng sulat dahil marami sa mga dating ipinapadala sa koreyo ay ipapadala na lamang sa iyong email. May mga teknolohiya din tulad ng ‘aerial drones’ na maaaring magampanan ang ganitong trabaho.
  • Cooks. Samantalang mananatili ang mga chefs sa hinaharap ang simpleng pagluluto ng hamburger, manok, at iba pang madaling lutuing pagkain ay maaring mapalitan na ito ng Robot Arms. Kaya maaaring mawala na ang mga fast food cooks.
  • Bank Teller. Ilang dekada na nating nakikita ang ATM [Automated Teller Machine] at dahil dito ay maaaring tuluyan ng mawala ang teller sa bangko sa darating na panahon. Maaaring sa ngayon ay hindi pa ito ganap na mangyayari ngunit darating ang panahon na hindi kailangan ang tagapagbilang ng pera o di naman kaya’y maging mas laganap na ang cashless transactions sa mga banko.
  • Telemarketer. Sa ngayon ay marami pa rin ang Telemarketer pero sinasabing mapapalitan na sila ng mga AI na tumatawag sa mga customers para magtinda. Nandiyan na rin ang mga automated na pangongolekta at pagbibigay ng impormasyon tungkol sa produkto at serbisyo ng kompanya.

Napakarami pang trabaho na hindi natin nabanggit na maaring mawala sa hinaharap. Ngunit sa kabila nito, ay marami din naman ang trabaho na madaragdag na hindi pa natin alam sa ngayon. Isang paraan upang manatili kang may trabaho ay ang patuloy na pag-aaral at pagtuklas ng mga bagong paraan ng paggawa o trabaho. Ang pagsasama sama at paglalakip nag iba’t ibang uri ng kaalaman ang makapagbibigay ng puwang upang makahanap ng bagong hanapbuhay sa hinaharap.

Huwag matakot kung kabilang sa mga nabanggit nag iyong kasalukuyang trabaho. Alalahanin lamang na maaari kang magpursige upang matuto ng mga bagong kaalaman upang maging handa sa darating na pagbabago.

 

Image credit: Getty Images