Nakakita ka na ba ng mga taong naghahahanap ng mga trabaho online? Maaring nakakita ka na ng mga nagtatanong kung may job opening ba sa mga establisiyemento kahit ang naturang post ay walang kinalaman sa trabaho. Narito ang ilang payo upang mas maging madali ang iyong paghahanap ng trabaho online.

1. Sumunod o i-follow ang mga Employer sa social media. Puntahan ang kanilang Facebook, Instagram, Twitter at LinkedIn Page at mag subscribe dito. Gawin mo ito upang malaman mo ang mga bagong pangyayari, kultura, mga pinaniniwalaan, at sinusuportahang issues, personalidad at iba pang bagay na makatutulong upang maging bahagi ka ng kanilang organisasyon. Isa itong paraan upang makipag-usap sa kanila gamit ang social media, dahil maaari kang magkomento sa kanilang mga posts. Siguradihin mo lamang na maayos ang iyong mga komento, propesyonal at may katuturan. Maaari mo ding ishare ang kanilang mga posts, oo isa itong paraan upang mapansin ka nila. Ngunit kung kapakipakinabang ang kanilang mga posts at ito ay iyong ibahagi sa iyong social media page ay magkakaroon ng posibilidad na mapansin nila ang iyong komento o ang iyong pagbahagi sa kanilang impormasyon na makatutulong upang ikaw ay matanggap sa trabaho.

2. Magsulat ng panakip o ‘cover’ letter. Ito ay isang paraan upang higit mong maipakilala ang iyong sarili. Maari mo din masabi kung ano iyong magagawa para organisasyon, at ang klase o halaga ng iyong serbisyo na maipagkakaloob sa kanila. Maaari kang magsulat ng totoong istorya kung paano mo nagawa ang isang proyekto o isang pangyayari kung saan maipapakita mo ang iyong mga kakayahan.

3. Pag-aralan ng maigi ginagawa ng kompanya. Alamin ang mga produkto o serbisyo na kanilang ibinibenta. Ang mga katangian na mga ito at kung ano ang iyong magagawa upang makatulong sa kanila gamit ang taglay mong kaalaman at skills. Maaring ang iyong kasanayan ay mas angkop para sa ibang departimento ng kanilang kumpanya at magagamit mo rin ang dagdag kaalaman kung paano sila nag nenegosyo kapag dumating ang araw na ikaw ay pupunta na para sa iyong Job Interview.

4. Ihanay ang iyong kaalaman at kasanayan sa kanilang pangangailangan. Huwag aksayahin ang panahon ng Recruiter dahil malaki ang posibilidad na hindi mapapansin ang iyong aplikasyon kung hindi kaagad nila makikita ang iyong kwalipikasyon. Alalahanin mo na may paraan ang mga recruiters upang isa-isahin ang mga resume sa pamamagitan ng kanilang “Applicant Tracking System”. Dapat ay magkatugma ang iyong mga skills at kaalaman sa mga hinahap ng kompanya upang mapansin ang iyong resume.

5. I-upload ng direkta ang iyong resume sa kanilang Website. Narito ang ilang payo upang mas maging madali ang iyong paghahanap ng trabaho online. Sagutan lahat ng mga patlang o kahon na humingi na iyong impormasyon, dahil awtomatikong sinasala ng sistema ang mga aplikasyon na hindi kumpleto ang nakalagay na detalye. Kaya mainam na punuin ng iyong impormasyon ang lahat ng patlang.

6. Pagtuon ang Pansin sa Gusto mo talagang Pasukan na Trabaho. Hindi ka tatanggapin ng lahat ng kompanya na iyong lalapitan. Kaya humanap ng organisasyon kung saan nakahanay ang iyong mga kakayahan at nalalaman- at dito mo ituon ang iyong atensiyon. Oo, mabuti rin na madami ang iyong apply-an ngunit mahahati ang iyong atensiyon. Ngunit kung itutuon mo lamang sa isang kompanya ang iyong isip ay mas magiging malaki ang pagkakataon na matanggap ka.

Kung sakaling hindi ka palarin ay maaari ka pa naman maghanap ng ibang mapapasukan. Ang mahalaga ay mag focus ka upang maibigay mo ang iyong isang daang porsyento sa paghahanap ng trabaho.

Sana ay makatulong ito sa iyong paghahanap ng trabaho lalo na sa panahon na limitado ang pamamaraan ng pagbiyahe. Kung may alam kang pa na iban