Ikaw ba ay hindi makatulog ng maayos?

Laging nag-iisip ng mga posibilidad o kung ano ang mangyayari sa hinaharap?

O kaya naman ay nagiging magugulatin?

Ngayong panahon ng pandemya, malaki ang dulot na pagkabahala sa ating mentalidad lalo na sa mga taong nananatili lamang sa bahay. Dahil dito, maraming organisasyon na ang gumagawa ng mga programa para matulungan ang mga nakakaranas ng matinding lungkot, depresyon, pagkabalisa at iba pa.

Hindi madaling mapansin kung ang isang employee ay nakararanas ng depression. Mahirap itong makita sa kilos o gawi ng tao. May mga nakakaranas ng ganitong karamdaman pero hindi pinapaalam sa kanilang mahal sa buhay o kasama sa trabaho.

Dahil ilang buwan na tayo sa loob ng ating mga bahay at hindi magawa ang mga bagay na magbibigay saya sa atin, dumadagdag ang kaso ng mga taong nakakaranas ng depression at hindi nabibigyang pansin ng mga eksperto.

Ang mga propesyonal sa ganitong larangan ang makakapagsabi na ang tao ay nakakaranas ng depression o iba pang sakit sa pagiisip. Pero para sa iyong kaalaman, magbibigay kami ng mga paraan para magkaroon ng malusog na pagiisip ngayong panahon ng pandemya.

Narito ang iilan~

1. Makisalamuha sa iba. Makipagkwentuhan sa mga kaibigan o kasamahan sa trabaho gamit ang mga apps na messenger, viber at iba pa. Makipagchat, video conference gamit ang zoom o goole meet at iba pang app.

2. Kumain ng masustansya. Piliin ang masustansiyang pagkain tulad ng gulay at prutas laban sa karne at junk food. Uminom ng maraming tubig at hindi softdrinks at alak.

3. Gumawa ng mga bagay na nakakalibang. Manuod ka ng mga magagandang pelikula o drama sa iyong telebisyon o sa Netflix. Pumili ng mga educational shows para dagdag kaalaman sa buhay o pwede ding sa trabaho. Iwasan mong manood ng mga nakakalungkot na palabas.

4. Laging mag-exercise. Simulan mo nang magehersisyo. Hindi naman kailangang isang oras ang itatagal mo sa pag-exercise. Pweding gawin mong lima o sampung minuto habang nagpapa-araw sa umaga.

5. Maghanap ng bagong hobby. Madami ang nahihilig ngayon sa mga halaman. Baka gustuhin mo ding maging plantito o plantita, o kaya naman ay maaari mong balikan ang iyong hindi natapos na cross stitch at iba pa.

6. Magdasal. Anuman ang iyong relihiyon, alam nating malaki ang naitutulong ng pagdarasal o meditation. May mga guided meditation kang makikita sa internet na maaaring sabayan para mapanatili ang iyong lusog-isip.

Hindi natin kontrolado ang lahat ng bagay o nangyayari sa ating buhay, dagdag mo pa na hindi tayo makalabas ng bahay para magawa ang gusto ng bawat isa. Kaya madami ang nakakaramdam ng matinding kalungkutan o depresyon. At kung sakaling maranasan mo ito, kumunsulta ka sa mga doktor na makikita mo online. May mga libreng consultations silang binibigay at hindi na kailangang pumunta pa sa ospital.

[Source: National Center for Mental Health]