Sa ating sariling barangay, may mga nakikita tayong mga tanod na nagbabantay araw-araw. Ang iba sa kanila ay may sweldo buwan buwan. Ngunit may iilan naman na walang natatanggap na regular na sahod. Kahanga hanga talaga ang kanilang dedikasyon sa trabaho. Pero kung iisipin mo, tayo mismo ay may kakayahan din gawin ito sa ating mga kasulukuyang trabaho.

Totoo na tayo ay sumesweldo sa ating mga trabaho. Pero may mga bagay tayong ginagawa na hindi lamang dahil may kapalit ito. Kung ikaw ay masaya na nakakapag bigay serbisyo sa iyong trabaho sa gitna ng krisis ngayon, hindi ka nalalayo sa dedikasyon ng isang mahusay na barangay tanod.

Ilang buwan na rin ang lumipas ng magsimula ang ating pananatili sa ating mga bahay dahil sa pandemiya. Maraming nabago sa ating mga nakagawian sa araw araw na pamumuhay.

Bilang isang empleyado, marami tayong makikitang kapareho sa katangian ng isang tapat na barangay tanod. Narito ang ilan sa kanila:

  1. Pagmamahal sa Trabaho. Maituturing ka na mapalad kung sa panahon ng krisis ay mayroon kang trabaho- at minamahal mo pa rin ito. Totoo na hindi na tulad ng dati ang sitwasyon sa iyong pinapasukan pero sa panahon ngayon makikita ang iyong dedikasyon sa iyong ginagawa.
  2. Kusang Paggawa kahit Gipit.Kung ikaw ay nakakatatanggap ng sahod, maaaring hindi ito tulad ng dati. Sa kadahilanan na nabawasan din ang oras at araw ng iyong pasok sa isang linggo. Ganun pa man, mapalad ka pa rin. kaya dapat na magpasalamat.
  3. Ginagawa ang lahat ng iyong lubos na makakaya upang makapag bigay Serbisyo. Gawin ang lahat ng iyong makakaya upang mapaglingkuran ng buong lakas at katapatan ang organisasyon na iyong kinabibilangan.

Maraming nabago sa panahon ng pandemiya. Kinakailangan din ang ating lubos na pag-unawa sa pinapasukan nating kompanya. Hindi na kasi tapat ang pumapasok na transaksyon sa mga negosyo, kaya marami sa atin ang kinukulang ang kita at kailangan gumawa ng paraan upang mabawi ito.

Suggested Article: Saan mo ba nais mag Tagumpay? Sa Trabaho, Negosyo, o sa Kinahihiligan Gawin?

Ito ang panahon na kailangan mo tumulong ng lubos sa iyong pinaglilingkuran.

Kaya labis na magpasalamat sa pamamagitan ng tamang pag serbisyo. Dahil bilang isang mabuting manggagawa, mayroon kang malasakit, puso at paninindigan. Mabigat ang suliranin na kinakaharap natin sa ngayon at walang makakalutas nito kung hindi tayo din mismo bilang isang mabuting manggagawa.

 

Isinulat ni Oliver Villaverde para sa PhilJobNet