Kung naaalala po ninyo ang kanta na may pamagat na “Kung kaya mo ay kaya ko, at kaya nating dalawa”. Ito ay halaw sa isang lumang kanta na malamang ay hindi pa naririnig ng karamihan ng mga kabataan ngayon. Sa linyang ito ay mayroon tayong matutunan kung ito ay ating iisipin ng mabuti at isasabuhay.

Maging sa panahon ngayon ng krisis at pag-aalinlangan ay kaya pa rin natin magwagi kahit nababalutan ng kalungkutan at pagkakasakit ang buong mundo. Kahit ano man ang pumipigil sa iyo upang magpatuloy o umangat sa buhay, kung magkakaroon ka ng tamang disposisyon sa pag iisip ay siguradong kakayanin mo ang mga pagsubok.

Kung ikaw nawawalan ng pag-asa, ay lagi mong aalalahanin ang mga taong nakaya ang mga matitinding pagsubok sa kanilang buhay. Marahil kaya din tayo tumitingala sa ating mga idolo at bayani, dahil sila ang patunay na kaya natin malagpasan ang mga pagsubok sa buhay.

Suriin natin ang tatlong pambihirang mga tao na sa kabila ng kanilang mga kapansan, ay nalagpasan pa rin nila ang mga matinding pagsubok at kakulangan sa pangangatawan:

Hellen Keller

 

Siya ay bulag at bingi ngunit sa kabila ng kanyang kapansanan ay nakapagsulat siya ng mga tula na nakatulong at patuloy na nakatutulong sa mga tao. Naglalaman ito ng pag-asa, pananalig at magandang pananaw sa buhay kahit pa sa gitna ng mga suliranin.

 

 

 

Nick Vujicic

 

Si Nick ay ipinangak na walang braso at mga binti. Isa siyang pambihirang kondisyon na tinatawag na Tetra-Amelia Syndrome. Sa kabila nito ay pinilit niyang nilabanan ang kanyang kalagayan at siya ngayon ay sikat na ‘motivational speaker’ na nagbibigay ng gabay at inspirasyon sa maraming tao.

 

Apolinario Mabini

Kilala ng marami si Mabini bilang miyembro ng Katipunan, naglingkod siya sa ating bayan sa kabila ng kanyang naging kapansan na dulot ng sakit na polio. Malaki ang kanyang naging ambag para maging matagumpay ang laban ng mga Filipino laban sa mga mananakop na Espanyol. Isa siyang inspirasyon noon at ngayon.

Pinapatunayan ng tatlong halimabawa na ito na kahit ano pa man ang maging balakid sa buhay ay may mga taong pinipili ang magpatuloy sa kanilang mga gawain, at itaguyod ang kanilang paniniwala at ipinaglalaban.

 

Marami na tayong suliranin sa panahon ngayon. Unang una na ang pag-aalinlangan dahil sa lumalaganap na pandemya na dulot ng COVID19. Marami ang nawalan ng hanapbuhay at hindi tayo makakilos tulad ng dati.

Kung magpapapatalo tayo sa mga nangyayari sa ating paligid ay tuluyan tayong magagapi nito. Ngunit sa halip na magpadaig ay maaari tayong mag-isip ng ating ikabubuti at ikabubuti din ng iba. Paunlarin ang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa, panonood o pakikinig ng mga makabuluhang palabas. Gawin mo rin ang lahat ng ating makakaya upang i-angat ang ating sariling kalagayan at kung may pagkakataon pati na rin ang kalagayan ng iba.

 

Isinulat ni Oliver Villaverde para sa PhilJobNet

 

Isinulat ni Oliver Villaverde para sa PhilJobNet