Mahabang panahon ang nawala sa atin ngayong simula ng 2020. Kung ikaw ay isa sa mga nakapagtapos sa Senior High o Kolehiyo ngayong taon, ay marahil binabalak mo na rin sana makapaghanap ng trabaho. Kung naudlot bigla ang iyong plano ay walang dahilan upang ikaw ay hindi makapag hanap ng trabaho pagkatapos ng krisis.

Iisa lamang dapat ang laman ng iyong isip, ang magkaroon ng gusto mong trabaho. Iba-iba ang kakayahan ng bawat isa. Base sa iyong kakayahan ay maiisip mo kaagad ang trabaho na bagay sa iyo. Ngunit kung mayroon kang nais na trabaho na labas o wala sa iyong kakayahan, ay maaari mo pa rin makuha ang trabahong ito. Kailangan mo lamang bigyan ng panahon upang matutunan at pag-aralan. Mag-aral at mag-sanay upang maging karapat dapat sa trabahong gusto mo.

Sa panahon ngayon, kung gagamitin mo sa tama ang teknolohiya, ay maaari kang magsanay sa iyong sariling bahay sa pamamagitan ng iyong computer o mobile device. Hanapin mo ang mga paksa tungkol sa iyong nais matutunan, magsimulang magbasa, makinig, o manood ng mga programang makatutulong upang makahanap ka ng trabaho. Nariyan ang iba’t ibang aspeto ng ‘skills’ at disiplina na maari mo magamit sa trabaho. Halimbawa na lamang ay ang kakayahan sa pag unawa ng salitang English o English Comprehension.

Isipin na matatanggap ka sa trabaho

Kung magiging positibo ang iyong pananaw tungkol sa iyong paghahanap ng trabaho ay mas maaakit mo ang swerte. Isa na rito ang matanggap sa trabaho kahit marami kang kasabay sa pag-aaply. Kaya mula ngayon ay mag-isip ng mga bagay na maayos, maganda at naangkop sa sarili upang mas lumaki ang iyong pag-asa na matanggap sa nais mong pasukan.

Maniwala ka sa iyong mga kakayahan

May mga pagkakataon na hindi mo napapansin na wala kang pahalaga sa iyong mga sariling kakayahan. Kung sapat ang iyong kaalaman at pagsasanay ay malaki ang pagkakataon na mayroon kang maiiambag sa iyong papasukan. Kaya simula ngayon, paniwalaan mo ang iyong sariling galing at mga kakayahan. At kung sa tingin mo ay may kulang pa, magsanay upang mapunan ito.

Magsimula ka

Sa dami ng iyong pinagdaanan sa pag-aaral at pagsasanay, nalampasan mo lahat ito. Handa ka na rin harapin ang mga bagong pagsubok sa iyong buhay. Humakbang ka patungo sa iyong nais na makamit, trabaho man ito o dagdag na kaalaman.

Marami kapakipakinabang na kaaalaman ang iyong makukuha dito sa Philjobnet at sa iba din na mga website tungkol sa pagtatrabaho. Kailangan lang na gawin mo ang unang hakbang patungo sa iyong ikabubuti, mag-saliksik at mag-aral.

Kung nais mo din matutunan ang mga 21st Century Skills na kinakailangan sa mundo ng pagtatrabaho, maari mo kunin ang mga libreng kurso at pagsasanay na inaalok ng SkillUpz ngayon. Nakapaloob dito ang TalentMap assessment na ginamit ng ating gobyerno sa buong bansa upang makita ang kakayahan ng mga estudyante, empleyado at Out-of-School-Youth upang matulungan sila makapag trabaho. Gamitin ang coupon code na PayLater upang masimulan mo na ang pagsasanay sa 21st Century Skills.

 

Isinulat ni Oliver Villaverde para sa PhilJobNet