Malapit ka na ba magsimula sa bagong trabaho mo? Hindi madali para sa karamihan ang pagkakaroon ng bagong lugar na trabaho lalo na’t kung dadating na naman ang unang araw sa trabaho.

Kadalasan nahihirapan tayo sa unang araw natin sa trabaho dahil sa wala pa tayong kakilala at hindi pa natin alam ang gagawin. Marami pang ibang mga bagay na kaakibat ng unang araw o unang linggo sa pinapasukang trabaho tulad ng paghahanap ng lugar na maaring kainan at maayos na transportasyon papunta at pauwi mula sa bagong lugar na pagtrabaho.

Ngumiti

Ang pagngiti ay makatutulong ng malaki sa iyong unang araw ng trabaho. Kung sadyang hindi ka palangiti walang mawawala sa iyong kung susubukan mong paminsan minsan ngumiti sa iyong mga kausap.

Ihanda ang iyong isip at pangangatawan

Mabuti kung ihahanda mo ang iyong sarili sa iyong unang araw sa trabaho. Maging positibo at handang tumanggap ng bagong impormasyon o kaalaman na magagamit mo sa iyong bagong trabaho.

Pumasok ng maaaga

Alam natin ang kalagayan ng trapiko lalo na kung ikaw ay nasa mga siyudad. Kaya mabuting maging maaga lagi lalo na’t kung hindi mo kabisado ang pinakamagandang daan. Bigyan ang sarili ng ilang oras na palugit upang makarating sa tamang oras o ng maaga sa iyong bagong papasukan.

Maging magalang at propesyunal

Ang simpleng pagsasabi ng po o opo ay mabuting sangkap ng iyong pakikipag usap sa mga nakatatanda o sa iyong mga amo sa loob ng kompanya.

Magbihis ng angkop

Alamin mo ang karapatdapat na isuot sa loob ng lugar ng trabaho. Kung kailangang magbihis ka ng “business attire” ay gawin mo ito.

Kumain ng almusal o magbaon ng sapat na pagkain o pera sa iyong unang araw sakaling malayo ang lugar kung saan nananghalian ang mga trabahante ay hindi ka mahihirapan sa oras ng tanghalian.

Normal ang kabahan o mag-alala sa unang araw o unang linggo sa trabaho ngunit kung haharapin mo ng may positibong pananaw ang iyong unang araw o unang linggo sa trabaho ay magiging matiwasay ito at produktibo.

Marami pa tayong ibang artikulong maarin makatulong sa’yo. Pumunta lamang sa ating Career Advice at Employee Tips blog sections.

Photo Credit: Getty Images