Totoo nga ba na may taong may angking suwerte sa paghahanap ng trabaho? Hindi kaya’t dahil lamang sa mas marami silang ginugugol na oras at pagod kumpara sa iba? Kung papalitan natin ang depinisyon ng pagiging suwerte gamit ito, marahil ay mas angkop tawaging ‘masuwerte’ ang mga taong mabilis makahanap ng mga trabaho.

Ano ano nga ba ang mga ginagawa ng taong madaling makahanap ng trabaho?

Ito ang mga ginagawa at katangian ng isang taong matatawag nating ‘suwerte’ sa paghahanap ng trabaho

  1. Pinag-aaralan ang Industriya na nais pasukin. Inaalam niya ng maigi ang sasalihan na industriya o di naman kaya’y pinagyayaman niya ang kanyang kaalaman kung siya kabilang na dito.
  2. Nag-iisip ng tama. Ang layunin niya ay laging mailagay sa tama ang pananaw sa sarili at sa ibang tao.
  3. Nagbibihis ng angkop. Sumusunod siya sa patakaran sa pananamit ng kumpanyang nais salihan.
  4. May mataas na kompyansa sa sarili. Sapat lamang ang kanyang tingin sa sariling kakayahan, hindi ito sobrang taas at baba.
  5. Marunong makinig sa mga pinag-uutos.
  6. May pakikisama , pakikipabagay, pakikipagtulungan, at pakikipag-ugnayan sa mga kasama
  7. Mapagkakatiwalaan at tapat, maaaring iwanan mag-isa at maaasahan pa rin na magagawa ang trabaho kahit na walang nakatingin
  8. Maaasahan na gampanan ang mga tungkulin at responsibilidad sa trabaho

Recommended Article: Gawin ito kung sakaling nahihirapan ka maghanap ng Trabaho

Hindi masusukat ang mga katangiang ito sa pakikipagpanayam o sa interview. Ngunit makikita ito sa iyong pananalita o pagsusulat dahil lumalabas dito ang iyong karakter o pag-uugali.

Ang suwerte sa paghahanap buhay ay hinahanap. Hindi lamang ito basta dumarating sa atin. Kailangan pagsikapan sa pamamagitan ng paggawa ng paraan, pagsasaliksik, pagsasanay at pagpapalakas ang mga kahinaan. Ginagawa ito upang sa huli ay mas mapadali at matanggap ka sa trabahong nais mo. At kung karamihan sa mga katangian na nakalahad dito ay iyong taglay, mas magiging maswerte ka sa paghahanap ng trabaho.

Marami ka pang ibang artikulo tungkol sa Paghahanap ng Trabaho at Careers sa ating official blog page.

Photo Credit: Getty Images