Maraming uri ng mga trabaho na may kalakip na responsibilidad sa pagbibigay serbisyo sa mga panauhin- mas kilala bilang ‘customer service’. Karaniwan na ginagamit ito sa iba’t ibang uri ng mga establisemento tulad ng restaurant, mall at hotel. Kung ikaw ay interesado o di naman kaya’y nandito na rin sa larangan ng trabahong ito, kinakailangan na alam mo kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman nito.

Paano mo nga ba pataasin ang antas ng iyong pagseserbisyo

  1. Maging propesyonal sa pakikipag usap sa mga panauhin. Gumamit ng mga salita na makakapagbigay ng maayos ugnayan sa inyong bisita; tulad ng paggamit po at opo o di naman kaya’y sir at ma’m.
  2. Maging mapagkumbaba. Huwag itataas ang sarili o magyabang sa iyong mga panauhin lalo na’t kung nagkakaroon ng di pagkaka unawaan sa inyong usapan.
  3. Laging magpasalamat sa mga panauhin. Hindi lamang kung nagbibigay sila ng ‘Tip’.
  4. Huwag sasabat o magsasalita habang nagsasalita pa ang kliyente. Maaring alam mo na ang sagot nguni’t mas maigi na hayaan mo munang matapos ang inyong customers sa kanilang sinasabi bago mo ibigay ang iyong kasagutan.
  5. Kumilos ng angkop at laging tatandaan ang kabutihang asal. Tulad ng pagtulong sa mga nangangailangan, pagbalik ng mga nawawala o mga naiwan na mga kagamitan.
  6. Kung sakaling alam mo na may pagkakamali ka na nagawa ay agad umamin sa iyong pagkakamali at humingi ng tawad.

Kapag ikaw ay may galit na panauhin, maaring dahil sa isang bagay o pangyayari, kinakailangan na unawain mo lagi ang sitwasyon. Suriin ng mabuti, huwag basta basta magsalita, at kumilos ng wasto upang maituwid ang pagkukulang kahit hindi ito galing sa’yo. Magbigay o gumawa ng solusyon sa labis na iyong makakaya.

Laging pakinggan ang sinasabi ng mga kliyente upang maibigay ang kanilang hiling dahil minsan, sa kagustuhan nating makatulong, ay hindi natin napapakinggan ang tunay na ibig sabihin ng ating customer. Ika nga nila, ‘Customer is always right!’.

Recommended Article: Mga Paraan upang manatili sa Trabaho

Nakatulong ba sa’yo ang artikulong ito? Magbasa pa ng ibang Career Advice articles upang lalong mapalawak ang iyong kaalaman sa pagtatrabaho.

Photo Credit: Getty Images