Nakikita mo na rin siguro ang mga nakasulat na mga signboard na ‘Valet (va·lei) Parking’ tuwing ikaw ay pupunta sa mga hotel, malls at ospital. Ano nga ba ang klaseng trabaho mayroon sa pagiging ‘Valet Parking’ attendant at paano ka nga ba makakapasok sa larangan ng trabahong ito.

Kami ay nagtanong-tanong at nagsaliksik tungkol dito upang maisalaysay namin sa inyo ang mga kinakailangan na nalalaman at katangiang mayroon ang mga magagaling na ‘Valet Parking’ attendant.

Related Article: “Mga katangiang hinahanap sa isang Driver”

Suriin ng mabuti ang mga ito kung ikaw ay naghahangad pumasok sa trabahong ito:

  1. Mayroong lehitimong professional driver’s license.
  2. Marunong magmaneho ng sasakyan, mapa ‘Manual’ o ‘Automatic’ ang sasakyan. Kailangan din na maingat at may malasakit sa sasakyan at sa may-ari nito.
  3. May alam sa kaligtasan at batas trapiko.
  4. Maalam sa paglilista ng mga bagay na may kinalaman sa sasakyan ng guest, tulad ng susi, oras at araw kung kailan dumating ang panauhin, modelo ng sasakyan at kung maaari ay pati ang bilang ng numero ng guest.
  5. Nagbubukas ng pinto para sa mga panauhin ng restaurant, hotel o event venue.
  6. Maayos na kinakausap at binabati ang mga panauhin.
  7. Magalang na pakikipag ugnayan sa mga panauhin. Sa madaling sabi ay marunong ng maayos na customer service interaction.
  8. Marunong makipagusap ng maayos sa Ingles, Filipino o iba pang angkop na linggwahe ayon sa lugar ng trabaho.
  9. Marunong gumawa o magsulat ng incident at daily report.
  10. Payag na pumasok sa trabaho ng pa-iba iba ang schedule. O kaya naman payag na pumasok sakaling may bagyo o may pista opisyal.
  11. May alam sa pag ta-traffic dahil minsan kinakailangan ito lalo kung naghahanap pa lamang ng mapaparadahan.
  12. Naibibigay ng maaayos ang resibo o token sa guest.
  13. At higit sa lahat, maayos na pangangatawan, pananamit, pag-uugali at pag-iisip.

Mapapakinggan din sa ating Episode 108 podcast na “Buhay at Hanapbuhay’ ang  tungkol sa trabahong ito. Marami po kayong matutunan dahil mayroon tayong nalalapit na interview sa isang magaling na “Valet Parking Attendant”. Iminumungkahi namin ito lalo na sa mag nagnanais na maging ‘concierge’ sa napili ninyong industriya upang maihanda na ninyo ang inyong sarili para sa trabahong ito. Simulan mo na ang paghahanap sa trabahong ito sa pamamagitan ng pagpunta sa PhilJobNet.

Nagustuhan mo ba ang artikulong ito? Kung may kilala ka na maaring matulungan ng ating mga artikulo, maari mo i-share ang mga ito sa pamamagitan ng pag-click sa mga ginagamit mong social media icons sa ibaba.

Photo Credit: Getty Images