Dumarating ang panahon na kinakailangan maging bukas ang ating loob sa pagbabago upang magkaron ng mas malinaw na direksyon sa ating buhay. Handa ka ba harapin ito upang magkaron ng mas magandang kinabukasan? Hindi biro ang makapagsimula sa trabaho at matukoy ang iyong mga dapat na gawin. Kaya naman kami nagsaliksik at nagtanung-tanong kung ano ang mga dapat gawin upang masimulan ang  pagbabago sa sarili at sa trabaho.

Suriin ang apat (4) ng mga bagay na ito upang mag tagumpay sa pagbabago na hinahangad mo para sa sarili at sa trabaho:

  1. Pag-Isipan. Nagsisimula ang lahat sa pag iisip kung ano ang nararapat na gawin upang ikaw ay magbago patungo sa iyong ikabubuti. Isipin mong mabuti ang iyong mga kamalian at maging bukas ang iyong isipan sa pagbabago.
  2. Pagpasyahan. Pagkatapos na maisip mo ang iyong mga dapat na gawin ay kailangang magpasya ka din- kung ano ang gagawin mong kilos upang matupad ang iyong iniisip na pagbabago.
  3. Gawin ang Nararapat. Kung nakapagpasya ka na kung ano iyong gagawin at napaghandaan mo na ang iyong mga hakbang ay panahon na upang kumilos at gawin ang mga dapat mong gawin tungo sa iyong ikabubuti.
  4. Ipagpatuloy ang Pag-aaral. Patuloy na pagsasaliksik, pag-aaral at pag-gawa ang kailangan upang maging lubos ang iyong pagbabago. Sa pamamagitan nito, tuloy-tuloy mong makikita ang pag-unlad sa iyong sarili at mga kakayahan na magdadala sa’yo ng tagumpay.

Mahirap simulan ang kahit anong bagong bagay, nguni’t kung araw-araw mo itong gagawin at pagsisikapan, ay maaring maging mas madali ito para sa iyo pag dating ng panahon. Huwag mo lamang ititigil ang iyong mga nasimulan at bagkus ay pagbutihin mo pa ang iyong mga ginagawa.

Naghahanap ka ba ng bagong trabaho? Mayroon tayong mahigit 8,000 na Accredited Employers sa PhilJobNet na kung saan ay maari ka ng makapag apply ng trabaho. Gumawa lamang ng Jobseeker account upang mapabilis ang iyong paghahanap ng trabaho.

Suggested Article Read: Mga Katangian na hinahanap ng mga Employers

Photo Credit: Getty Images