Mahalaga sa bawat manggagawa na mabuti at maayos ang organisasyon na kanyang kinabibilangan, kaya naman dapat talaga ilista ang mga katangiang hinahanap ng karamihan sa mga Manggagawa.

Ito ang ilan sa mga katangian na hinahanap ng mga mgangagawa sa isang kompanya, kaakibat ng pagkakaroon nito ang ilan sa mga katangian ng isang mabuting employer:

  1. Sumusunod sa batas at patakaran na ipinapatupad ng DOLE. Marami ito at ang ilan dito ay matatagpuan sa kanilang website.
  2. Ibinibigay ang mga nararapat na benepisyo para sa mga manggagawa.
  3. May puso para sa kanilang mga trabahante. Hindi lamang ang kanilang kumpanya ang hangad nilang paunlarin, pati din ang ikabubuti at ikauunlad din ng kanilang mga Manggagawa.
  4. Hindi inaabuso ang kanilang kapangyarihan.
  5. Iniintindi din nila ang kapakanan ng manggagawa sa pamamagitan ng maayos na lugar na pinag tatrabuhan at maayos na araw ng pahinga.
  6. Nagbibigay ng patas na oportunidad sa lahat ng empleyado.
  7. Nagbibigay ng suporta upang umunlad ang bawat tao sa loob ng kompanya.
  8. Mayroong mabuti at positibong pananaw sa mga bagay bagay.
  9. Tama sa araw at oras ang pasahod.

Maraming organisasyon ang may ganitong katangian at kung sakaling makahanap ka ng ganito kompanya ay mabuting suklian mo rin ito sa pamamagitang ng pagsasagawa ng tamang trabaho. Ang mabuting ipinapakita sa iyo ng isang Employer ay nararapat lamang na tapatan ng maayos na pamamasukan.

Kung nais mo pa makapag basa ng ibang mga artikulong maaring makatulong sa’yo, pumunta lamang sa ating Career Advice at Job Hunting Tips sa ating official blog page.

Photo Credit: Getty Images