Tuwing tayo’y may gustong bagay tulad ng damit, madalas ay iniisip mo muna ang kulay, sukat at uri ng tela na gusto mo bago ka bumili nito. Ganun din sa paghahanda ng pagkain, iniisip mo rin muna ang lasa at ang mga sangkap na kinakailangan para dito. May mga bagay na nakakalimutan isulat ang iba sa kanilang Resume kung nais nila makapagtrabaho tulad ng kanilang kasanayan, kaalaman at ‘experience’. Kung ikaw ay seryoso talaga sa paghahanap ng trabaho- kinakailangan makita sa iyong Resume ang lahat ng mga bagay na ito.

Mahirap maging mapili sa trabaho lalo na kung kinakailangan mo na ito sa madaling panahon. Kahit ganito ang iyong kalagayan ay kinakailangang alam mo pa rin ang iyong gusto pasuking trabaho sa mas mahabang panahon. Kasunod nito ang pagkakaron ng sapat na kaalaman sa pagsusulat ng iyong mga pagsasanay at ‘experience’ upang lalong mapabilis ang iyong paghahanap ng trabaho.

Kung hindi mo makakamit kaagad ang pinapangarap mong trabaho ay maaari mo namang isakatuparan pa rin ito pagdating ng tamang panahon. Kasabay dapat ng pagtatrabaho ang patuloy na pagdagdag ng mga kakayahan upang lalong mapa sa iyo ang trabahong gusto mo talaga balang araw. Isulat mo muna ang iyong mga KASANAYAN, KATANGIAN at mga KAALAMAN upang mas madaling mapansin ito lalo na kung marami kang kasabay sa paghahanap ng trabaho. Ang pagbebenta ng iyong kakayahan ay nagsisimula sa isang maayos na Resume.

Ito ang mga bagay na hindi dapat mawawala sa iyong Resume:

  • Ano ano ba ang mga kaya mong gawin sa trabaho (KASANAYAN)
  • Lahat ng iyong KAALAMAN na may kaugnayan sa trabahong inaaplyan
  • Kursong tinapos (o di naman kaya’y antas ng pag-aaral)
  • Mga tinapos mong Training o kaya’y OJT/Internships
  • Mga nakaraang Trabaho
  • Mga ibang kakayahan pa na maari mong magamit sa Trabaho

Mabuting isulat mo ang lahat ng iyong kayang gawin, tinapos na kurso, mga pinagdaaanang pagsasanay at lahat ng mga bagay at kaalaman na ugma sa trabahong nais pasukin, upang mas lumaki ang pagkakataon na matanggap ka sa trabaho- maging ito kung ito ay pansamantalang trabaho lamang o ang pinapangarap mo ng trabaho.

Related Articles: Resume Writing Tips

Para sa karagdagang kaalaman sa paghahanap ng mga trabaho, maari mo din puntahan ang ating Job Interview at Job Hunting Tips.

Pangarap namin ang matulungan ka makapaghanap ng trabaho. I-share ang ating artikulong ito sa iyong Facebook at Twitter page sa pamamagitan ng pagpili sa mga icons nila sa ibaba.

Photo Credit: Getty Images