Sa paghahanap ng trabaho may mga maliliit na bagay na maaaring di mo napapansin ngunit mayroon itong nagiging epekto sa mga taong kakausap sa iyo partikular na sa mga “Recruiter”.

Mahalagang alalahanin natin ang kulay ng ating suot bago pumunta sa isang job interview. Ayon sa mga eksperto, may epekto sa unang impresyon sa atin ang uri at kulay ng ating pananamit.

Gamitin ang gabay na ito upang makapag bigay ng maayos na ‘first impression’ sa Employers

  1. Dilaw/Yellow, Orange Kahel, Ube/Violet
    Malikhain ang turing sa mga aplikanteng nagsusuot ng kulay ng ito.
  2. Berde/Green
    Ayon sa mga eksperto hindi mabuting magsuot ng kulay berde dahil nagbibigay ito ng impresyon ng kawalan ng tiwala.
  3. Itim / Black
    Madalas itong isuot ng mga propesyonal, nagbibigay ito ng impresyon ng kalakasan at pagiging mabuting pinuno.
  4. Kaki / Brown
    Nagbibigay ito ng impresyon na pagiging tapat, mapagkakatiwalaan, ang kulay na ito ay nagbibigay din ng impresyon na palakaibigan at madaling lapitan.
  5. Abo / Grey
    Nagpapahiwatig ito ng pagiging simple o kawalan ng komplikasyon. Nagbibigay din ito ng pagiging organisado at pagiging malinis.
  6. Maroon, Pula/Red
    Malakas ang dating ng kulay na ito, nakakapukaw ng damdamin at atensyon. Hindi ito iminumungkahi ng mga experto dahil sa agresibo, galit at pagiging mapagmataas ang ipinapahiwatig nito.
  7. Bughaw / Asul / Navy Blue
    Marami ang may gusto sa kulay na ito dahil hindi sobrang lakas ng dating nito at ang kulay na ito ay tanggap ng mga kababaihan at kalalakihan. Payapa ito at konserbatibo mainam itong isuot sa mga job interviews.

Ang katotohanan hindi naman ginagawang basehan ang kulay ng damit para tanggapin ka sa trabaho. Mas mainam lang na ilagay sa lugar ang kulay ng iyong suot lalo na kung naghahanap ka pa ng trabaho. Kung kaya mong dalhin iyong sarili upang makapagpakilala ng mahusay, maging anumang kulay ang iyong suot, mangingibabaw pa din ang iyong kakayahan, kasanayan at kaalaman.

Mabuting pumili ng kulay na angkop na pamasok sa trabaho, mga natural na kulay tulad ng abo, itim, puti o asul upang mas umangat ang iyong pagkakataon na matanggap sa trabaho.

Sana nakatulong ang artikulong ito upang mapabuti ang iyong paghahanap ng trabaho. Pumunta sa ating Job Interview at Job Hunting tips section upang makapagbasa pa ng karagdagang kaalaman.

Photo Credit: Getty Images