Kung nais mong maging arkitekto may mga kasanayan ka na kailangan bago mo ito pasukin. Marami ka na rin siguro kilalang mga taong nagsasabing napakagandang propesyon ang pagiging Arkitekto.

Maraming iba’t ibang klaseng kaalaman ang iyong dapat na matutunan kung nais mong maging isang arkitekto. Kailangan mo ng higit lamang sa isang katangian upang maging isang ganap na Arkitekto.

Ating siyasatin at kilalanin kung ano ano ang mga ito:

  1. Kaalaman at Hilig sa Disenyo. Mabuting mahilig at may alam ka sa iba’t ibang ng mga disenyo kung gusto mong maging isang ganap na arkitekto. Ito ang isa pangunahing kailangan para sa ganitong propesyon.
  2. Kasanayan sa Pag-Guhit. Makatutulong din kung mayroon ka ng kaalaman sa pag-guhit. Mahalaga na mayroon ka ng basic skills sa pagguhit dahil ito ang isa sa iyong mga gagawin araw-araw.
  3. Technical Skills. Hindi lamang pag-guhit at pag-plano ang iyong gagawin, kasami din dito ang pagsusukat at paggamit ng computer program na Autocadd. Mabuti rin na mayroon kang kasanayang teknikal na magagamit mo sa pagpapatupad ng iyong mga disenyo.
  4. Kasanayan sa Math. Isa din sa kailangan mo upang maging magaling na arkitekto ay ang galing sa pagkalkula. Magagamit mo ito sa mga kalkulasyon para sa iyong mga desenyo, upang malaman ang tamang materyales at tamang istraktura na kailangang gawin.
  5. Mapanuring Pag-iisip. Sa paggawa ng disenyo ng mga gusali kailangan na isa-alang alang ang iba’t ibang bagay. Ang kaligtasan ng mga tao, ang tibay ng gusali, ang tamang daloy ng tubig, ang tamang daan para mga titira at ibang pang bagay na kailangan isipin. Kaya mabuti kung mayroon kang mapanuring pag-iisip.
  6. Kakayahan Makipag Usap. Ang isang Arkitekto ay nararapat lamang na marunong makipag-usap hindi lamang sa mga kasamahan sa trabaho. Kinakailangan na kaya din nila makipag-usap sa kanilang mga kliyente upang mas mapadali ang pagbibigay liwanag sa mga disenyo at iba pang mga bagay na may kinalaman sa kanilang mga proyekto.

Ang isang Arkitekto ay hindi lamang dapat marunong sa pag guhit at paggamit ng Computer, kasama din dito dapat ang kaalaman sa paggawa ng mga plano at disenyo. At hindi ito nagtatapos sa pagguhit at pagdesinyo, kinakailangan rin ang pakikitungo ng maayos sa mga kliyente at ang pamamahala ng proyekto.

Kung sa tingin mo ay nakatulong ang artikulong ito sa iyo, maari mo itong i-share sa iyong Facebook at Twitter sa pamamagaitan ng pag click sa mga icons sa ibaba. Para sa mga karagadagang artikulo kung ikaw ay isang Jobseeker, maaring puntahan ang ating Career Advice section.

Photo Credit: Getty Images