Ngayong tag-ulan na naman, mabuting maging handa at alerto dahil hindi biro ang abutin ng baha o matinding ulan. Mas maigi ang ligtas ang ating kalusugan upang maipagpatuloy natin ang maayos na paghahanapbuhay. Narito ang ilang bagay na maaari mong dalhin o gawin tuwing umuulan:

Dalhin lagi ang Payong o Kapote

Mas mahalaga pa ito kaysa sa iyong cellphone ngayong tag-ulan. Ugaliin na laging ilagay ito sa iyong bag. Kung ikaw ay nahihirapan sa malaking payong, maaring kumuha ng maliliit upang mag kasya ito sa iyong bag. Kung hassle pa rin ang mag payong para sa iyo, baka mas nababagay sa iyo ang kapote.

Mag Baon na Tsinelas / Sapatos

 

Dapat ay laging handa. Malaking bagay ang mayroon kang tsinelas o sapatos na dala o nakahanda sa iyong pinapasukan upang kung malakas ang ulan ay maaari mo itong gamitin upang hindi masira ang iyong sapatos na pang opisina.

Magdala ng ‘Extra’ Shirts o Uniporme

Para kung sakali na ikaw ay minalas at inabutan ng malakas na ulan at nabasa, maari ka makapagpalit ng damit. Maari mo itong iiwan sa iyong locker o sa ilalim ng iyong lamesa upang ipamalit sa iyong nabasang damit. Mas mahirap ang magkasakit dahil sa suot mo ang basang damit ng buong araw.

Maging handa sa Baha

Huwag ng mag balak lumakad o lumusong sa baha. Hindi lamang mga butas sa kalye ang dapat katakutan, laganap na din ang ‘Leptospirosis’ ngayon. Planuhin ang ang mga dadaanan at iwasan ang mga pang karaniwang lugar na binabaha. Kung walang ibang  pwedeng daanan ay hayaan munang humupa ang baha hanggang  sa maari ka ng makadaan ng ligtas.

Laging Makinig o Magbasa ng Balita

Napakadali na makakuha ng impormasyon ngayon tungkol sa panahon. Makinig sa istasyon ng radio o telebisyon o di naman kaya’y i-follow mo ang social media accounts ng mga nagbibigay ulat sa lagay ng panahon tulad ng DOST PAGASA upang makasagap ng pinakabagong balita na tungkol sa lagay ng panahon.

Maghanda ng First Aid Kit

Ang ating mga opisina ay mayroon nito. Kung wala naman ay maaring gumawa ng sariling First Aid Kit upang maging laging handa sa panahon ng malakas na buhos ng ulan at kung sakaling may medical emergency.

Ihanda ang Cellphone

I-charge ang iyong cellphone upang maging handa kung sakaling kailanganin mong tumawag ng saklolo o tulong ay agad mong magagawa tulad ng Hotline 911. Mabuti rin kung mayroon kang dalang power bank upang may reserbang baterya.

Hangad namin ang iyong ligtas na paglalakbay araw-araw lalo na sa panahon ngayong tag-ulan. Para sa iba pang kapakipakinabang na impormasyon, maaring bisitahin ang ating ‘Career Advice‘ section at maari din ninyo kaming i-follow sa ating Facebook, Twitter at Instagram pages.

Photo Credits: Getty Images and Inquirer.net