Sa panahon ngayon,  maaari kang maging Draftsman kung may kaalaman ka sa pagguhit at sa Computer-Aided Design. Bagaman may mga Draftsman pa ring gumagamit ng tradisyunal na pagguhit, marami na ngayon ang gumagamit ng software upang mas maging mabilis at pulido ang trabaho.

Sundin ang mga hakbang na ito tungo sa pagiging Draftsman:

1

Mag-aral ng pormal na kurso ukol sa pagiging Draftsman. Ang Architecture o Drafting ay ilan lamang sa mga halimbawa ng kursong maaaring kunin ng mga taong gustong maging Draftsman.

2

Magbigay ng higit na atensyon sa paggamit ng Computer-Aided Design software na AutoCad. Ang software na ito ang ginagamit ng karamihan sa mga kompanya dito sa bansa na may kinalaman sa Drafting. 

3

Ayusin ang iyong resume upang umangat sa ibang marunong na rin sa Drafting at Autocad. Tandaan na marami kang makakasabay sa iyong paghahanap ng trabaho.

4

Gumawa ng portfolio na iyong maipapakita sa mga employers na maaaring tumanggap sa’yo. Malaking bagay ang may maaayos na portfolio dahil dito makikita kung bihasa ka sa paggamit ng iba’t ibang teknolohiyang ginagamit ng isang Draftsman. 

5

Kung maaari ay kumuha ng internship sa isang kompanya na dalubhasa sa paggawa ng Architechtural design. Hindi naman kailangan na malaki o sikat na organisasyon ang papasukan. Importante lamang na marami kang matututunan sa kanila.

 

Maraming taon ang gugugulin mo sa iyong pag-aaral. Mahalaga na gawin mo ang lahat ng iyong makakaya upang matutunan ang lahat ng kakailanganin sa trabahong papasukan. Siguraduhing magsaliksik palagi upang maging napapanahon ang mga kaalaman ukol sa larangang nais tahakin.

Nakikita mo ba ang iyong sarili bilang isang Draftsman? Mag-register na ngayon sa PhilJobNet upang makahanap ng mga kompanyang maaaring pag-applyan.