Marahil nakapanood ka na din ng mga ‘cooking shows’ na kung saan ay may mga celebrity Chef na nagbabahagi ng kanilang mga nilulutong pagkain. Higit pa sa kaalaman at kasanayan sa pagluluto ang kayang gawin ng isang Chef. Sila din ay may kaalaman sa pag-papatakbo ng kusina. Ang mga Chef ay hindi lamang mga simpleng taga luto, sila din ang nagplaplano at gumagawa ng mga bagong putahe sa mga hotels at restaurant.

Ano ano nga ba ang kailangan kung nais mo maging isang ganap na Chef?

  1. Kailangan maging pamilyar ka sa kusina.

    Kailangan mahal mo talaga ang pagluluto o malaki ang iyong pagnanais na matuto ng mga paraan sa kusina. Alamin ang lahat ng kailangang matutunan sa loob ng kusina, kung paano lutiin ang maaraming iba’t ibang klase ng pagkain at kailangan din matutunan ang epetibong pagpapatalakad sa kusina.

  2. Magtrabaho sa isang Restaurant.

    Isang mabisang paraan upang maging pamilyar sa mga gawain sa loob ng kusina ay ang magtrabaho sa isang restaurant. Mas mabuti kung makakapasok ka sa isang ‘fine dining’ na restaurant bilang isang helper sa kusina upang makita mo kung paano gumagalaw ang mga kusinero at chef sa loob ng resto.

  3. Mamasukan sa isang Hotel.

    Mas maiging kunin mo ang pagkakataon makapasok sa loob ng kusina ng isang hotel. Dito matutunghayan mo ang maraming paraan ng pagluluto at paghahanda ng pagkain para sa kanilang mga guests.

  4. Kumuha ng culinary arts o mga katulad ng kurso.

    Isa ang Hotel and Restaurant Management sa mga kursong maaari mong pasukin upang maging isang Chef. Dito matutunan mo ang iba’t ibang paraan ng pagluluto, pati na rin ang pamamahala ng kusina at iba pang kaalaman at kasanayan na kinakailangan para sa isang negosyong pagkain ang pangunahing binigyan ng atensiyon.

  5. Maari din kumuha ng Certificate.

    Sakaling di ka palarin na makapasok sa isang eskwelahan na Culinary Arts, maaari ka pa rin na magsanay sa mga institusyon na nag bibigay ng mga maikling kurso para sa pagluluto.

  6. Magsaliksik tungkol sa pagluluto.

    Maaari kang magbasa-basa ng mga libro, artikulo, magazine at iba pang babasahin na ukol sa pagluluto ang pag paghahanda nito. Maaari ka rin na manood ng mga libreng videos tungkol dito, napakaraming mo mahahanap na lutuing maaari mong gawin.

  7. Isagawa ang mga natutunan.

    Sa tuwing may matutunan kang bagong luto ay maaari mo na ito kaagad subukan sa iyong kusina sa bahay upang mas magkaroon ka ng higit na kasanayan sa pagluluto. Tanungin mo din kung ano ang masasabi ng mga nakatikim ng iyong niluto upang ito ay iyong mapabuti pa.

Maraming natutong magluto sa kanilang sariling pagsisikap o kaya naman ay sa ilalim ng isang magaling na kusinero. Sa panahon ngayon, maaari ka na rin matuto sa pagsubok na mga recipe na iyong makikita sa mga libro o kaya naman sa mga videos. Ngunit mainam kung ikaw ay magkakaroon ng pormal na pagsasanay na kalakip ng iyong sariling pagsisikap, dahil ikaw ay higit na magiging magaling at makikila ang iyong pangalan bilang isang Chef.