Naihanda mo na ang lahat ng iyong kailangan, ang iyong resume, ang iyong mga isusuot para sa job interviews, nakapagsaliksik ka na rin tungkol sa kompanya at naihanda mo na ang iyong sarili sa maaaring mga itanong sa iyo. Dumating na ang araw ng interview at pagsusulit sa kompanyang iyong nais pasukan, ngunit hindi pa rin maihayag sa iyo kung natanggap ka o hindi.

Minsan ito ang isa pinakamahirap na bahagi ng pag hahanap ng trabaho. Ang paghihintay ng kahihinatnan ng iyong paghahanap ng trabaho.

Narito ang iyong mga maaaring gawin habang naghihintay resulta ng iyong job application:

1. Ipanatag ang iyong isip. Gawin ang pangkaraniwang bagay na nakakapagpasaya sa’yo upang libangin ang iyong sarili habang naghihintay ng resulta.

2. Iwasan ang pag-aalala dahil hindi ito makatutulong. Lalong lalo na kung naghihintay ka ng tawag or text. Bawasan ang laging pagtingin sa cellphone upang hindi maitanim sa iyong isip na maaring hindi ka natanggap.

3. Magsanay pa ng husto para sa dagdag na kakayahan. Habang nagiintay, maiging gamitin mo na ang iyong oras upang mas pagbutihin ang iyong sarili. Magsanay ng ibang kakayahan na maaari mong magamit sa trabaho.

4. Huwag tumigil sa paghahanap ng iba pang maaring ma-applyan. Ito ang karaniwan na ginagawa ng mga aplikanteng nagtatagumpay sa paghahanap ng trabaho. Ituloy lang ang paghahanap hanggang sa ikaw ay magkaron ng maraming pagpipilian na trabaho.

Kapag dumating na hinihintay na resulta, maging masaya ano man ang kalabasan ng iyong job application. Kung ikaw ay matanggap ito na marahil ang simula ng isang mas maganda yugto ng iyong buhay. Ngunit kung hindi ka naman naging mapalad ay gamitin mo ang karanasan na ito upang mas mapabuti ang iyong susunod na pagsubok sa larangan ng paghahanap ng trabaho. At kung ikaw naman ay nabigyan ng oportunidad na makapagtanong sa employer kung bakit hindi ka natanggap, alamin mo ang dahilan upang mas mapabuti mo din ang iyong sarili.