Bago dumating ang panahon ng internet, ang pag-punta sa mismong kompanya o ang tinatawag na pag ‘walk-in’ ang pinaka-epektibong paraan upang mas higit na lumaki ang pagkakataon na makahanap ng trabaho. Pumapayag pa din naman hanggang ngayon ang ibang mga employers.

Sa panahon ngayon iilan na lamang ang gumagawa ng ganitong taktika upang makahanap ng trabaho. Tulad ng pagtawag sa kliyente na hindi mo kilala ang pag walk-in sa mga kompanya. Hindi mo alam kung matatanggap ka o hindi at malaki din ang posibilidad na walang bakanteng trabaho sa kompanyang iyong nais pasukan.

Kung nais mong malaman kung paano mag-walk-in sa mga kompanya narito ang mga tips na makatutulong sa iyo upang maging matagumpay ang iyong pag-bisita sa kanila:

1. Wag basta-basta pupunta sa isang kompanya ng iyong nais pasukan, mainam na magsaliksik muna.

Alamin mo kung paano ang pinakamadaling paraan kung paano pumunta sa kanilang lugar at siyempre kung mayroon nga ba na bakanteng trabaho na maaari mong apply-an. Maari kang tumawag o pumunta sa kanilang website muna kung mayroon.

2. Kung alam mo ang bilang ng telepono ng kompanya ay maaari kang tumawag upang malaman kung mayroon silang bakanteng trabaho na iyong maaaring apply-an.

3. Puntahan ang website ng kompanya at tingnan kung mayroon silang job openings, kung wala naman ay maaari kang mag email o tumawag sa HR Department ng kompanya upang alamin kung ano-ano ang kanilang mga bakanteng trabaho.

4. Magtanong tanong sa iyong mga kaibigan, kamag-anak, o kakilala kung mayroon silang alam na bakanteng trabaho sa kani-kanilang pinapasukan.

5. Sumali sa mga grupo sa social media upang kung malaman saan ka maaaring magtungo para sa job interviews.

6. Kadalasan sa isang gusali hindi lamang isang kompanya ang iyong maaaring puntahan kaya maghanda ng maraming resume upang mas higit na marami ang kompanyang mabibigyan mo ng iyong resume.

7. Magbihis ng angkop at maghanda lagi para sa job interview. Maaring sa iba ay hindi ka kaagad ma-interview pero mayroong mga employers na handa lagi tumanggap ng walk-in applicants kaya maigi na laging handa para sa interview.

8. Huwag mahihiyang magtanong sa receptionist o sa guwardya ng “mayroon po ba kayong job opening dito.

9. Mas magandang magpunta ng maaaga sa isang business district upang mas marami kang mapuntahang kompanya.

10. Huwag kalimutan magdala ng payong para kung sakaling umulan hindi ka mababasa.

11. Mabuti rin na magbaon ka para hindi ka gumastos sa pagkain. Maari mong kainin ang iyong baon sa food court ng mga nalalapit na malls sa iyong pupuntahan o di naman kaya sa canteen ng building kung mayroon.

12. At higit sa lahat, huwag mo rin kalimutan ang magdala ng ngiti para maging madaling gumaan ang loob sa iyo ng mga HR recruiters.

Kailangan mo ng pasensiya at tiyaga kung magwo-walk-in ka sa mga kompanya, mabuting sa umaga mo gawin ang pag-susumite ng iyong mga resume. Kung susundin mo ang mga tips na ito ay mas magiging malaki ang posibilidad na matanggap ka sa isa sa mga kompanya.