Hindi lahat ay mapalad na makatapos ng pag-aaral ngunit hindi dapat maging hadlang ito upang hindi makahanap ng trabaho. Ang bawat trabaho ay maaring gawin na unang hakbang para sa mas mataas na posisyon balang araw. Patunayan mo lamang na kaya mo gampanan ang tungkulin at handa ka na sa mas marami pang responsibilidad.

Narito ang isang dosenang trabaho na aming sinaliksik para sa inyo upang matulungan kayong makahanap ng trabaho kung ikaw ay nakapagtapos ng High School.

Merchandiser – Kailangan na masinop at marunong mag-ayos ng mga produkto sa groceries o supermarket at sinisigurong laging may paninda sa mga gondola o shelves.

Cashier – Kailangan na marunong sa salapi at matalas ang isip sa pagbibilang ng pera. Marunong din dapat humarap sa tao at may mataas na antas ang iyong serbisyo.

Deliveryman/Messenger – Malaki ang maitutulong kung marunong magmaneho ng motor o ng utility vihicle at alam ang mga kalsada sa mga siyudad o ng lugar na trabaho.

Security Guard – May pagsasanay, pagsusulit at lisensenya ang pagiging isang security guard kailangan na handang sumailalim sa mga ito. Kailangan din ng disiplina, talas ng isip, tapang at kababaang loob ang trabahong ito.

Fast Food Service Crew / Waiter – Kailangan ng malusog na pangangatawan kung magtatrabaho bilang food server, may mataas na antas ng kaalaman sa pagsisilbi sa mga parokyano o customers at higit sa lahat ay magalang.

Service Maintenance / Janitor – Maaaring taga kompuni ng mga sirang gamit o tagapaglinis ang trabahong ito, kaya kailangan ng sipag at tiyaga ng trabahong ito dahil kadalasan ay paglilinis ng iba’t ibang lugar o silid ang iyong magiging trabaho.

Bartender – Kadalasan pang gabi ang trabahong ito, marunong maghalo o magtimpla ng inumin para sa mga guest, magalang at mayroong mataas na antas ng customer service ang taong papasok sa ganitong trabaho.

Driver – Maingat magmaneho at may alam sa pagkukumpuni ng sasakyan sakaling masiraan ang ipinapasadang pampublikong sasakyan.

Factory Worker – Iba-iba ang trabaho sa bawat factory, kailangang masipag, matiyaga, maingat sa detalye upang maging matagumpay sa trabahong ito.

Salon/Spa Worker – May mga kasanayan na kailangan matutunun bago makapasok sa beauty parlor o sa spa tulad ng paggugupit o pag mamasahe. Kailangan din marunong kang makibagay sa mga customers.

Call Center Agent – Sa panahon ngayon marami na sa mga kompanya ang tumatanggap ng highschool graduates para sa kanilang call centers o BPO, kailangan na marunong mag-Ingles at may computer skills ang mga gustong pumasok bilang agents.

Sales – Ito na marahil ang pinakamagandang trabaho para sa mga high school graduate, dahil napakalaki ng maaaring maging komisyon o sweldo ng mga taong magaling sa sales. Kailangan lang na marunong makipag-ugnayan sa mga kliyente at magaling sa pagbebenta ng produkto o serbisyo ng kompanya.

Kung may alam po kayong mga trabaho na swak para sa high school graduates ay huwag mag-atubiling mag-komento upang mas higit tayong makatulong sa mga taong nangangailangan ng trabaho.