Alam niyo ba na may Live Chat feature ang PhilJobNet? Maliban sa Facebook Messenger, maari kayong makipag-ugnayan sa ating mga Chat Representatives upang mas higit kang matulungan sa iyong paghahanap ng trabaho o masagot ang iyong katanungan tungkol sa website.
Ang Live Chat service ng PhilJobNet ay available mula 8am – 5pm mula Lunes hanggang Biyernes.

Ang Live Chat feature ay isang kasangkapan para sa mga Jobseekers at Employers upang mas mapadali ang transaksyon sa website. Kung nahihirapan kang maghanap ng trabaho, mag-register o may mga tanong ka na hindi masagot ng ating website FAQ section ay maaari mong gamitin ang live chat site feature ng PhilJobNet.

Para naman sa mga Employers, kung may mga itatanong kayo tungkol sa ibang site features tulad ng Premium Services upang mas mapabilis ang paghahanap ng mga empleyado ay wag mag-atubiling i-chat ang ating mga chat representatives.

Narito ang mga benepisyo ng paggamit ng live chat ng PhilJobNet:

  1. Mas mabilis na pakikipag-ugnayan.
  2. Maaari gumamit ng Ingles o Filipino para makipag-chat.
  3. Bukas mula alas otso ng umaga hangang ala-sinko ng hapon, Lunes hanggang Biyernes (8am – 5pm, Mon-Fri).
  4. Maaaring mag-iwan ng impormasyon kung sakaling ikaw ay nagmamadali. Siguraduhin lamang na ilagay ang iyong email address para maipadala ang sagot sa iyong katanungan.
Para sa mga Jobseekers and Employers mas mainam po na mag-register sa ating official job portal upang makamit ang mga natatanging benepisyo ng mga miyembro ng PhilJobNet. Hanggad po namin ang inyong tagumpay sa paghahanap ng trabaho at ng mga empleyado sa pamamagitan ng ating website.