Alam natin na may mga kababayan tayong nahihirapan maghanap ng trabaho kaya gumawa tayo dito sa PhilJobNet ng paraan upang mas maging madali ang paghahanap ng trabaho.

Isa sa ating mga pangunahing layunin ang makita kaagad ng mga Employers ang inyong mga Resume dahil halos lahat sila ngayon ay gumagamit na ng Internet. Upang matulungan ang mga Jobseekers, gumawa tayo ng libreng ‘Vanity Page’ para sa ating lahat ng mga Jobseekers.

Ang Vanity Page ay naglalaman ng inyong Resume na maari mong ibahagi sa mga Employers sa pamamagitan ng pagbigay lamang ng URL or link na matatagpuan sa iyong profile pagkatapos mag-login bilang Jobseeker.

Pagkatapos punuin ng up to 80% na impormasyon sa inyong profile, maari mo makita ang link na ito at mai-share sa mga Employer. Matatagpuan ito sa iyong profile pagkatapos mag-login bilang Jobseeker.

Ang kailangan lamang gawin ng mga naghahanap ng trabaho ay ang maglagay ng hanggang 80% na tamang impormasyon sa inyong Jobseeker profile para labis na mas maging epektibo ang itsura ng inyong ‘Vanity Page’ kapag ito ay ibinigay niyo sa mga Employers at Recruiters.

Ito ang itsura ng *Vanity Page – na kung saan ay maari mo mai-Print ang Resume, i-share ang link sa Facebook at maari din ipadala sa mga Kakilala sa Facebook.

*Makikita lamang ang Edit at Share options kung ikaw ay naka log-in sa sarili mong account bilang Jobseeker. Ang ibang viewer ay makikita lamang ang Print option.

BABALA: Ang Vanity Page link na ibibigay natin ay makikita ng lahat kaya siguraduhing ligtas ang pagbibigyan mo link na ito. Mas ligtas kung sa Employers at mga kakilala mo lamang na mataas ang iyong tiwala. Makikita ang iyong impormasyon dito tulad ng Phone number at Address.

Narito ang mga benepisyo sa oras na nakumpleto mo ang paglalagay ng iyong impormasyon sa iyong sariling Vanity page:

  • Kapag nakumpleto mo ang pagsusulat ng impormasyon sa PhilJobNet ay mas magiging madali para sa mga employers ang mahanap ka sa website at ma-print ang iyong Resume.
  • Mailalagay mo ang link ng iyong impormasyon na nakalagay sa job portal at madali mo itong maipapakita sa mga employers kung saan nais mo mag-apply.
  • Hindi na mahihirapan ang mga employers na tawagan ka dahil makikita nila sa iyong Vanity Page ang lahat ng iyong contact information.
  • Sa huli ay magiging mas madali para sa iyo ang makahanap ng trabaho dahil sa added feature na ito ng PhilJobNet.

 

Ninanais namin maging matagumpay ka sa paghahanap ng trabaho, at ang tamang paggamit ng opisyal na job portal ng Gobyerno ay ang isang hakbang patungo sa pagkakaroon ng magandang trabaho.