Mga Benepisyo ng paggamit ng PhilJobNet kiosk

May mga kiosk ang PhilJobNet na nakalagay sa buong bansa. Makatutulong ito sa ating mga kababayan na naghahanap ng trabaho. Punong-puno ng mga impormasyong makabuluhan ang mga kiosk na makatutulong sa lahat ng nais gamitin ito. Matatagpuan ito sa mga tanggapan ng DOLE Regional offices at Public Employment Service Office (PESO).

 

Ito ang ilan sa mga benepisyo ng paggamit ng PhilJobNet kiosk:

1. Mas madaling makahanap ng trabaho.
2. Malalaman ang lokasyon ng mga kompanyang nangangailangan ng empleyado.
3. Makikita ang mga training na inyong maaaring daluhan.
4. Hindi na kailangan ng internet connection upang gamitin.

Makikita rin ang mga patalastas ng pamahalaan na makatutulong sa lahat hindi lamang para sa mga naghahanap ng trabaho ngunit pati na rin sa mga gustong magtraining sa ibang sangay ng gobyerno tulad ng TESDA.

Magsadya lamang po sa tanggapan ng DOLE o Bureau of Labor and Employment, sa inyong lokal na munisipyo at sa iba pang sangay ng gobyerno upang kayo ay magkaroon ng pagkakataon na magamit ito. Libre po ang gumamit ng ating Kiosk at dito niyo makikita ang ibat’ibang kaalaman na makatutulong sa inyong paghahanap ng trabaho.