Kung magtatanong sa isang negosyante, ang mabilis na sagot sa iyo ay magnegosyo ka. Ngunit kung walang kang karanasan sa pagnenegosyo panigurado ay hindi ito magiging madali. Oo mainam na magnegosyo kung sapat na ang iyong kaalaman at kakayahan upang magsimula ng isang matagumpay na bisnes. Ngunit kung hindi ka pa handa ay mas mainam na maghanapbuhay muna habang ikaw ay nag-aaral upang sa huli ay maging matagumpay ito at makapagpundar ka din ng pang puhunan.

Habang naghahanda upang maging negosyante ay mainam na gawin ang mga sumusunod:

01

Maghanap ng trabaho na nakahanay sa negosyo iyong nais na pasukin.

Kung gusto mong pasukin ang printing business ay maghanap ng trabaho sa larangan ng printing tulad ng publishing companies, printing companies, dyaryo, packaging companies.

02

Magsaliksik tungkol sa negosyong gustong pasukin.

Tuwing gabi sa pag-uwi mo ng bahay makatutulong kung maghahanap ka ng mga impormasyon tungkol sa negosyong gusto mong pasukin.

03

Dumalo sa mga training, seminars o workshop.

Tungkol sa industriyang nais mong pasukin dahil makatutulong ito ng malaki upang maging ganap na negosyante ka.

04

Habang isa kang empleyado, pagbutihin ang iyong trabaho.

Alamin ang lahat na dapat mong matutunan dahil makatutulong ito sa iyo kung gusto mong maging negosyante.

05

Aralin ang pasikot-sikot sa iyong trabaho.

Makatutulong ito sa iyo upang maging isang mahalagang bahagi ng kompanya at pag dating ng panahon ay magagamit mo ang mga mabubuting katangian na ito sa iyong sariling negosyo.

06

Pagbutihin ang trabaho at mag-ipon.

Hindi lahat tayo ay mayroong mauutangan para gawing puhunan sa negosyo kaya habang nasa ilalim ka ng empleyo ng kasalukuyan mong pinapasukang kompanya ay mag-ipon para sa iyong pangarap na negosyo.

Marami sa atin ang gustong maging negosyante ngunit hindi lahat ay sapat ang kaalaman at ang lakas ng loob, magandang suriin ang sarili kung nais magnegosyo at paghandaan ang pagiging negosyante. Habang kumakalap ka ng kaalaman tungkol sa pagnenegosyo. At kung sa tingin mo ay hindi para sa iyo ang pagnenegosyo maaari kang maghanap ng trabaho dito sa job portal natin, ang PhilJobNet.