Sang-ayon ba kayo sa mga dahilan na ito kung bakit umaalis ang ibang manggagawa upang makapagtrabaho sa ibang bansa?

  1. Dahil may mga kamag-anak sa ibang bansa. Karamihan ng kamag-anak ay naghahanap buhay sa ibang bansa. Dahil may kamag-anak sa ibang bansa ay naiisipan na rin na maghanap buhay sa abroad ng iba sa ating mga kababayan.
  2. Gusto maging ‘Immigrant’. Nais nila maging permanenteng residente ng bansang pinuntahan. Dahil maganda ang mga benepisyo ng ibang bansa para sa kanilang mamamayan, naiisip ng iba sa atin na doon na lamang tumira at bumuo ng bagong buhay.
  3. Dahil mas malaki ang sahod. Ito ang paraan upang guminhawa ang buhay dahil mas malaki ang pasuweldo sa ibang bansa, ito rin ang tanging nakikitang paraan ng iba sa atin sa halip na makipagsapalaran sa lokal na job market.
  4. Tanging paraan para makakuha ng trabaho. Naniniwala ang iba na ang pag-aabroad ang tanging paraan upang makahanap ng disenteng trabaho para maitaguyod ang pamilya.
  5. Para matupad ang pangarap sa buhay. Sa pangingibang bayan nakasalalay ang pangarap na pag-unlad sa buhay sapagkat ito lamang ang naiisip na paraan upang maitawid ang lahat ng kanilang pangangailangan sa buhay.
  6. Nahihirapan maghanap ng trabaho sa sariling bansa. Walang mahanap na trabaho dito sa ating bansa kaya naghahanap ng trabaho ‘abroad’.

Iba-iba ang dahilan kung bakit umaalis sa bansa ang ating manggagawa. Maaring may mga kababayan tayo na naging biktma ng ng mga kalamidad, sakuna, o giyera sa ating sariling bansa ngunit hindi lamang ang pag-alis at pagpunta sa ibang bansa ang paraan upang makaahon at makaalpas sa mga suliranin.

Ang PhilJobNet ay isa sa mga programang itinayo ng pamahalaan upang gumabay at tumulong sa atin upang makakuha ng disenteng trabaho sa ating sariling bansa. 

Nais namin ipaalam sa inyo na nandito ang pamahalaan upang tumulong sa atin sa pamamagitan ng iba’t ibang proyektong pangkabuhayan. Ang PhilJobNet ay isa sa mga programang itinayo upang gumabay at tumulong sa atin upang makakuha ng disenteng trabaho sa ating bansa. Hinihikayat po namin kayo na subukan na humanap muna ng trabaho dito sa ating bansa bago mag-abroad dahil maraming ‘Accredited’ Employers sa ating job portal ang nangangailangan ng mga empleyado dito mismo sa ating bansa. Simulan mo na ang paghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng pag-register bilang Jobseeker sa www.philjobnet.gov.ph.