Kilalanin naman natin ang mga ‘Extrovert’. Sila ang mga mahilig lumabas at palakaibigan, mas gusto nilang makihalubilo sa mga tao imbes na mag-isa. Mas gustong din nilang nakikisama siya sa harap ng maraming tao kaysa nasa loob lamang mag-isa sa isang silid.
Sa aming pagsasaliksik sa mga trabahong naaangkop para sa mga ‘Extroverts’, nakita namin ang mga trabahong swak na swak sa inyo kung sa tingin ninyo na kayo ay isang ‘Extrovert’:
Sales
Kahit na anong trabaho sa sales ay tiyak na papatok sa mga taong mahilig makisama o makipag-usap sa iba kaya sales ang nangunguna sa ating listahan. Dito maipapahayag ng isang extrovert ang kanyang sarili at magiging matagumpay siya sa ganitong larangan.
Recruiter
Humaharap sa iba’t-ibang tao ang isang HR recruiter sa araw-araw at dahil dito isa ito sa pinakaangkop na trabaho para sa isang taong pinipiling makasama ang maraming tao sa araw-araw.
Public Relations (PR) Officer
Kailangang kumausap ng maraming tao ang isang PR person, ilalatag niya ang plano sa kanyang mga nakakaharap upang maging epektibo ang kanyang ikinakampanyang produkto o serbisyo.
Project Coordinator / Manager
Upang matapos ang isang proyekto ay kailangang nakalatag ng maayos ang mga plano at nahihingi ng atensiyon ang ganitong trabaho mula sa isang taong marunong makibagay at makipag-ugnayan sa maraming tao.
Ito pa ang karagdagang trabaho na masasabi nating kalimitang nababagay na trabaho para sa mga ‘Extrovert’- Teacher, Events Coordinator, Call Center Agent (Voice) and Entertainer (Host / Dancer).
Napakarami pang maaring maging trabaho ang ‘Extrovert’. Siguradong nakakaisip na din kayo ng mga iba pang trabaho para sa mga taong tulad nila.
Kung nakahanay ang iyong mga kakayahan sa mga nabanggit na trabaho ay wag ng mag-atubiling magpatala sa nag iisang job portal ng ating bansa ang PhilJobNet upang mas mapadali ang iyong paghahanap ng papasukan.