Hindi biro ang maging isang heavy equipment (machinery) operator at kung may karanasan ka sa trabahong ito ay maraming naghihintay na trabaho para sa iyo dito sa PhilJobNet.

Madalas sa industriya ng konstruksyon nakalinya ang ganitong mga trabaho. Ito ang ilan sa mga halimbawa na mga trabahong naghihintay sa mga marunong na gumamit ng isa sa mga makinaryang ito:

Forklift Operator | http://philjobnet.gov.ph/applicant/job/applynow/11641

Truck Driver | http://philjobnet.gov.ph/applicant/job/applynow/11079

Napakarami pang halimbawa ng mga heavy equipment jobs na maaring pasukan, ito ang ating komprehinsibong listahan ng mga iba’t ibang ‘heavy equipment’ na mga trabaho:

Backhoe Operator
Crawler Crane Operator
All-Terrain Crane Operator
Crane Rafter
Crane Spider
Mini Crane Operator
Boom Lift Operator
Vertical Lift
Scissor Lift
Telehandler
Skid Loader
Vibration Roller
Paver Tracker

Kadalasan ang mga may karanasan lamang sa paggamit ng mga heavy equipment ang natatanggap sa mga ganitong trabaho, ngunit hindi dapat ito maging hadlang sa iyong paghahanap ng trabaho. Kung magsasanay para makapag-paandar ng ganitong klaseng makinarya ay mas lalaki ang iyong pagkakataon na makahanap ng trabaho. May mga pagsasanay kang makikita sa website ng ‘third party’ training services na inaalok ng mga TESDA accredited partners tulad ng ibinibigay ng Monark Foundation at iba din na mga organisasyon tulad ng ibinibigay ng Site Skills Training. Makikita niyo din ang komprehinsibong listahan ng mga accredited TESDA training schools for Heavy Equipment sa link na ito – TESDA Heavy Equipment Training Institutes

Para sa mga nais ng mag-apply agad ng trabaho, pumunta lamang sa PhilJobNet at mag-register bilang Jobseeker. Maraming benepisyo ang pagiging bahagi ng website, may Job Matching at Job Fairs na makatutulong sa iyong paghahanap ng trabaho.