Marami sa ating kababayan ang nahihirapan sa paghahanap ng trabaho kaya naisipan namin dito sa PhilJobNet na tipunin ang mga paraan upang mas madaling makahanap ng hanapbuhay. Narito po ang mga nabanggit na paraan:

01.

Ayusin ang resume na
angkop sa trabaho.

Ayusin ang resume na angkop sa trabaho. Hindi kailangang ilagay lahat ng iyong job experience sa resume dapat lang ay tugma ito sa trabahong ina-apply-an.

02.

Kung hindi ito angkop, at gusto mong makapasok o matanggap ay maaari kang magsanay para inaasam na trabaho, maraming training sa TESDA ang maaari mong daluhan.

Kailangang angkop ang iyong skills sa trabahong
iyong ina-apply-an.

03.

Ipagbigay alam mo sa iyong mga kakilala.

Ipaalam sa lahat ng iyong kaibigan at kamag-anak na naghahanap ka ng trabaho, makatutulong ito dahil kung sakaling mayroon silang kakilalang kompanyang naghahanap ng empleyado ay pwede ka nilang ipakilala dito.

04.

Magpunta sa mga job fairs.

Nandito ang karamihan sa mga kompanyang naghahanap ng mga trabahador. Mas malaki ang posibilidad na makahanap ka ng trabaho sa mga paganap na ganito. Maari kayong makapag pre-register sa mga official job fairs ng DOLE at PESO sa link na ito – http://philjobnet.gov.ph/jobfair-schedule.

05.

Ang paglapit din sa mga recruitment agencies ang isa sa pinakamabisang paraan upang makahanap agad ng trabaho.

Dahilan nito ay maramihan ang kanilang pangangailan ng empleyado at maaaring isa ka sa kanilang matanggap.

06.

Maaari mong gamitin ang iyong social media account sa paghahanap ng trabaho.

Maghanap sa search field o kaya naman ay mag-post sa iyong page. Halimbawa, maaari ka rin pumunta sa page ng PhilJobNet at doon makikita mo ang link para makapagrehistro sa opisyal na website ng gobyerno para sa hanapbuhay.

07.

Maging maingat sa pananamit, magbihis ng nararapat kung magpupunta sa job fair o sa job interview.

Business attire ang kadalasang bihis ng mga nag-aaply ng trabaho.

08.

Gamitin mo rin ang search engines katulad ng Google at Yahoo.

Maghanap ng trabaho dito o mas mainam ay kung didiretso ka sa mga job portals tulad ng PhilJobNet.gov.ph, dahil nandoon ang job matching at job fair registration.

09.

Pag-aralan ang kompanya na gusto mong applyan.

Makatutulong kung pag-aaralan mo ang kompanya na iyong nais apply-an, alamin ang lahat ng bagay tungkol dito. Ang klase ng kanilang negosyo, ang kanilang mga produkto, at ang kanilang kultura.

10.

Aralin ang mga sagot sa tanong.

Magbasa ng mga maaari itanong sa’yo sa interview, magsanay ng mag-isa o kasama ang kamag-anak o kaibigan ukol sa mga tanong na maaaring lumabas sa interview.

11.

Mag-apply sa tamang panahon, abangan ang pagbubukas ng job hiring ng isang kompanya dahil sa gayon ay mas lalaki ang iyong pagkakataon na matanggap sa trabaho.

Agapan mo rin ang mga job openings, mas mainam na magpunta sa umaga upang makaiwas sa sisiksan kung sa job fair, at mauna sa pila kung magpupunta sa tanggapan ng kompanya.

Kung ginawa mo na ang karamihan sa mga suhestiyon na ito ay ‘wag ka titigil, darating din ang pagkakataon na para sa iyo, manalig at ituloy ang iyong nasimulan ng paghahanap.

Patuloy ang pag tulong ng PhilJobNet sa lahat ng nagnanais na makahanap ng trabaho, mangyaring magrehistro sa aming website www.philjobnet.gov.ph upang mas maging madali ang proseso ng paghahanap.