Alam niyo po ba na mayroong sangay ang DOLE, sa ilalim ng DOLE-Bureau of Working Conditions, na sadyang tagapangasiwa ng kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa? Ito ang Occupational Safety and Health Center (OSHC).
Nilalayon ng OSHC na paigtingin ang kaligtasan ng bawat manggagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga training at paglalatha ng kahalagahan ng safety o kaligtasan ng bawat isa sa trabaho. Narito ang mga training na isinasagawa ng OSHC:
  • Basic Occupational Safety and Health (BOSH) Training Course
  • Basic Occupational Safety and Health (BOSH) Training for Supervisors Course
  • Construction Safety Training Course
  • Fire Safety Training
  • Work Environment Measurement Training
  • Chemical Safety Training
  • Ventilation Training
Para sa kumpletong listahan, maari niyong puntahan ang link na ito.
Ang DOLE-BWC at OSHC ay mayroon ding mga programa ngayon sa ilalim ng #SikatAngMaingat at #OSHangGustoKo sa social media.
Ilan ito sa kanilang mga latest na posts:

 

 

Mangyari makipag ugnayan sa tanggapan ng OSHC para sa karagdagang kaalaman ukol sa kanilang mga pagsasanay.

You may also visit DOLE-Bureau of Working Conditions for more information about their program development and departmental functions relating to working conditions.