Nagtapos ang mahigit sa limang daang (500) kabataan ng JobStart Philippines na ginanap sa UP Diliman Quezon City noong March 14. Nakapanayam namin ang ilan sa kanila upang magbigay ng pahayag, tinanong namin sila kung ano ang kanilang buhay bago sila sumali sa programa, at kung ano ang naidulot nito nang makatapos sila sa anim na buwan na pagsasanay.

Ito ang kanilang mga sinabi:

Ano ang mga naitulong ng JobStart sa’yo?
Natulungan po akong maboost yung confidence, natuto po akong tumayo sa sariling paa, at naisip ko po na walang madaling trabaho kaya dapat pagsikapan.

 

PhilJobNet’s Writer, Oliver Villaverde (left), interviews JobStarter graduate of General Trias (Cavite), Kelly Anne C. Aro (far right in photo).

 

Panayam kay Ms. Kelly Anne C. Aro, JobStart graduate of General Trias, Cavite.

Paano mo nalaman ang programang JobStart ng Gobyerno?
Sa Munisipyo po ng General Trias, last year April.

Ilang months ang training ninyo sa Jobstart?
6 months po.

Meron ba kayong allowance habang isinasagawa ninyo ang training?
Meron po.

Ano ang ginagawa mo bago ka magsimula sa Jobstart?
Nag-stop po ako sa pag-aaral, inalagaan ko po ang lola ko, sa bahay lang po ako.

Ano ang mga naitulong ng JobStart sa’yo?
Natulungan po akong maboost yung confidence, natuto po akong tumayo sa sarli paa, at naisip ko po na walang madaling trabaho kaya dapat pagsikapan.

Ngayon na nandito ka at ga-graduate kayo anong pakiramdam mo?
Masaya po, kasi may natutunan talaga ako, tsaka yung akala ko na dati na hindi ko kaya kaya ko pala.

Five years from now saan mo nakikita ang sarili mo?
Gusto ko po sanang magpulis. Mag-iipon po ako, para makatulong na rin sa pamilya ko.

David Michael Menina, JobStart graduate of Caloocan, now an employee and OIC of Molecular Ice Cream.

Panayam kay Mr. David Michael Menina, JobStart graduate of Caloocan City.

Ano ang trabaho mo ngayon?
OIC (Officer-In-Charge) po ako ngayon sa Molecular Ice Cream running for Supervisor.

Paano mong nalaman ang programang JobStart?
Nalaman ko po sa pinsan ko na nagtatrabaho sa Caloocan City Hall.

Before JobStart anong ang pinagkakaabalahan mo?
Nagresign po ako sa trabaho, tapos nag aaply po ako sa mga company, at dahil po hindi pa ko natatanggap sa trabaho nag apply po ako sa JobStart.

Ano ang naitulong sa iyo ng JobStart?
Naboost po ang confidence ko, pagdating po sa interviews kung paano sagutin yung mga interview questions. Tapos sa personality, kung ano ang dapat mong ipakita sa mga katrabaho mo. Pati paghandle ng pressure at time management.

Ano ang trabaho mo ngayon?
OIC (Officer-In-Charge) po ako ngayon sa Molecular Ice Cream running for Supervisor.

Ano ang pakiramdam mo ngayon na ga-graduate ka na sa JobStart?
Overwhelmed po ako, na kasama po ako sa proyektong ito, nakatulong po ito hindi lang sa paghahanap ko ng trabaho kundi para mas maboost pa yung personality ko.

Five years from now saan mo nakikita ang sarili mo?
Siguro kung magstick po ako dito… magiging MANAGER po ako.

Bukas ang JobStart Philippines program ng gobyerno sa lahat ng kabataan mula 18 hanggang 24 taong gulang. At least highschool graduate, at walang karanasan sa pagtatrabaho na higit sa isang taon.

Para sa karagdagang impormasyon maaaring puntahan ang link ng JobStart Philippines dito – http://bit.ly/2lofW2A